CWS, nagpahayag ng suporta sa Cagayan valley 11

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,255 total reads

Sinuportahan ng Church People Workers Solidarity o CWS ang ‘Cagayan Valley 11’ na mga human rights defender na kinasuhan ng paglabag sa Terrorism Financing Law.

Iginiit ng C-W-S na hindi dapat ituring na terorismo ang aktibismo at dapat mawakasan na ang mga kasong tinawag nitong “trumped-up charges” laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Nanawagan ang C-W-S na ipawalang bisa ang mga kaso laban sa Cagayan Valley 11, na mga environmental defenders sa Nueva Vizcaya at iba pang political detainees.

Hinimok din ng CWS ang Kongreso na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10168 at isulong ang mga batas para sa repormang agraryo, pangangalaga sa kalikasan at katarungang panlipunan.

Binigyan-diin ng C-W-S na “ACTIVISM IS NOT TERRORISM” at hinimok ang publiko na ipaglaban ang karapatang pantao at makiisa sa Cagayan Valley 11.

Naunang kinundena ng Umaddang Cagayan Valley Para ti Karbengan o “Cagayan Valley Moves Forward for Rights – Cagayan Valley Advances for Rights”, ang paggamit sa Republic Act No. 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 laban sa 11 human rights defenders.

Naninindigan at ipinaabot ng grupo ang suporta sa Cagayan valley 11 na sina Agnes Mesina, Isabelo Adviento, Cita Managuelod, Jackie Valencia, Deo Montesclaros, Renato Gameng, Mafel Macalanda, Anne Marie Pascual, Nelson Escalante, Walter Villegas at Jhames Paredes.

Sinabi ng grupo na hindi makatarungan ang ginawa ng gobyerno na“weaponization” of terrorism financing para supilin ang mga human rights defender na ihayag ang laganap na paglabag sa karapatang pantao sa Cagayan valley.

Binatikos ng grupo ang patuloy na ‘criminalization ‘ sa mga aktibistang nagsusulong ng karapatan ng mga magsasaka, pangangalaga sa kalikasan at karapatang pantao.

Inilantad din ng grupo ang military activities sa Cagayan valley, pang-aagaw sa lupa, suliranin sa pagmimina at laganap na kahirapan dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

Unang hinimok ni Pope Francis sa kaniyang Ensiklikal na Laudato Si ang sanlibutan na kagyat na pangalagaan ang kalikasan na nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,971 total reads

 22,971 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 104,073 total reads

 104,073 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 137,522 total reads

 137,522 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,820 total reads

 172,820 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,556 total reads

 398,556 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top