Patay na at walang records, naging recipients ng confidential funds ng OVP at DepED

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,457 total reads

Aabot sa 1,685 pangalan na ginamit bilang recipients ng confidential funds ang walang nakitang birth, marriage o death record sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Ito ang inilahad ni prosecution counsel Atty. Mae Divinagracia sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng ebidensiya sa Article I ng kaso.

Ayon sa prosecution, sinuri ng PSA ang 2,669 pangalan mula sa liquidation records ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education o DepEd para sa 2022 at 2023.

Sa bilang na ito, 1,685 pangalan ang walang nakitang katumbas na record sa PSA—kabilang ang 1,287 mula sa OVP at 398 mula sa DepEd, kabilang na ang pangalan ni Mary Grace Piattos.

Si PSA Assistant National Statistician Marizza Grande ang ikasampung testigo ng prosecution.

Sinimulan na niya ang pagpapaliwanag sa proseso ng PSA sa pag-verify ng mga pangalan at civil registry records.

Ayon kay Atty. Divinagracia, mayroon ding 37 pangalan na tumugma sa records ng mga taong patay na noong natanggap ang pondo.

Samantala, 25 pangalan naman ang tumugma sa records ng mga bata, kabilang ang tatlong wala pang tatlong taong gulang.

Ipinrisinta ng prosecution ang mga datos bilang bahagi ng pagkuwestiyon nito sa mga acknowledgment receipts na ginamit sa liquidation ng confidential funds.

Gayunman, kinuwestiyon ng depensa ang ilang bahagi ng testimonya ni Grande, lalo na ang mga konklusyon na iniuugnay sa mga dokumentong iprinisinta ng prosecution.

Sinabi naman ng prosecution na hindi kailangang iisang testigo lamang ang magpatunay sa lahat ng bahagi ng kanilang kaso at dapat tingnan ang testimonya ni Grande kasama ng iba pang ebidensiyang una nang naiharap sa pagdinig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,093 total reads

 38,093 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,489 total reads

 88,489 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,360 total reads

 136,360 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,308 total reads

 240,308 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,449 total reads

 324,449 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top