Caritas Manila, nakipag-partner sa DEPS sa responsible waste management

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,171 total reads

Inilunsad ng Caritas Manila–Segunda Mana ang panibagong hakbang sa responsible waste management sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Public Services o DEPS ng Maynila, upang mabigyan ng panibagong gamit ang mga donasyong damit na hindi na maaaring ibenta.

Sa pamamagitan ito ng donation ng Segunda Mana ng 150 sako ng preloved na damit sa Manila DEPS bilang bahagi ng sustainability partnership ng dalawang institusyon.

Sa bisa ng pagtutulungan , nagsasagawa ang Manila DEPS ng lingguhang pagkolekta ng mga textile materials, na may minimum na 50 biodegradable sacks kada pickup.

“𝐒𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐮𝐫𝐩𝐨𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐃𝐄𝐏𝐒! ♻️ Caritas Manila’s Segunda Mana donated 150 sacks of preloved clothes that could no longer be resold to the Department of Environment and Public Services – Manila, strengthening the sustainability partnership between Manila DEPS and Segunda Mana. As part of the partnership, Manila DEPS conducts weekly pickups, with a minimum of 50 biodegradable sacks collected per pickup,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.

Ang mga damit na hindi na maaaring muling ibenta ay ia-upcycle upang maging mga kapaki-pakinabang na gamit tulad ng doormats at potholders.

Sa ganitong paraan, napapanatili ang layunin ng bawat donasyon kahit hindi na ito maibenta, habang nababawasan ang mga textile materials na maaaring mauwi sa tambakan. Ang Segunda Mana ay programa ng Caritas Manila na nagtataguyod ng Reduce, Reuse, Recycle at muling paggamit ng mga bagay na maaari pang mapakinabangan.

“The textile materials supplied through Segunda Mana will be upcycled into useful items such as doormats and potholders, giving donated materials a new purpose while promoting responsible waste management and sustainability,” ayon pa sa mensahe ng Caritas Manila.

Kaakibat naman ito ng panawagan ni Pope Francis sa Laudato Si’ para sa pangangalaga sa ating common home at pagtutol sa kulturang nagtatapon ng mga bagay matapos lamang gamitin. Sa diwa ng integral ecology, ipinapaalala na ang pangangalaga sa kalikasan ay bahagi rin ng pananagutan ng bawat isa sa kapwa at sa susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,947 total reads

 20,947 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,145 total reads

 102,145 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,594 total reads

 135,594 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,892 total reads

 170,892 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,733 total reads

 396,733 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top