Pagtigil na ng karahasan sa Ukraine, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,946 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV na wakasan ang karahasan sa Ukraine, kasabay ng panawagan na bigyang-daan ang dayalogo, kapayapaan at diplomasya.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square, sinabi ng Santo Papa na may mga bagong pag-atake sa ilang lungsod at sa imprastraktura ng mga sibilyan sa Ukraine na nagresulta sa pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan.

Patuloy ang pakikiisa ng punong pastol sa pagdurusa ng mga Ukrainian na ilang taon nang namumuhay sa gitna ng pangamba at takot.

“I renew my appeal to put an end to the violence, to stop the destruction, and to open hearts to dialogue and peace!” ayon kay Pope Leo XIV.

Umaasa rin si Pope Leo na magkakaroon ng konkretong resulta ang mga pagsisikap na muling isulong ang mga kasunduang pangkapayapaan.

“I hope that the efforts undertaken in these days to resume negotiations will bear concrete fruit and open space for diplomacy,” aniya.

Nanawagan din ang Santo Papa sa mga mananampalataya na ipanalangin ang pagkakaroon ng pagkakasundo sa lahat ng lugar na patuloy na nakararanas ng tunggalian.

Samantala, sa kanyang pagninilay bago ang Angelus, binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang tungkulin ng mga Kristiyano na magmahal sa kapwa at harapin nang maayos ang mga hidwaan sa loob ng mga pamayanan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng fraternal correction o mapagmahal at tapat na pagtutuwid sa isa’t isa, sa halip na pagrereklamo at paninirang-puri.

“Complaining and speaking ill of others are easier, but they accomplish nothing and leave many situations paralyzed,” dagdag ng Santo Papa.

Aniya, ang tapat na pakikipag-usap ay maaaring makatulong upang harapin ang realidad at gawing pagkakataon para sa paglago ang mga problema at alitan.

Iginiit ng pastol na ang tunay na pagkakaisa ay nakaugat sa pagkikita, pagpapatawad at pakikinig sa isa’t isa sa Panginoon.

“By grace, however, we are brothers and sisters who can live in harmony: meeting one another, forgiving one another and listening to one another in the Lord.”

Hiniling ng Santo Papa sa mga mananampalataya na manalangin para sa pagkakaisa at kapayapaan sa Ukraine at sa iba pang bahagi ng mundo na patuloy humaharap sa mga karahasan at mga banta ng sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,336 total reads

 39,336 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 75,039 total reads

 75,039 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,309 total reads

 301,309 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,777 total reads

 194,777 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,693 total reads

 286,693 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top