Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 344,460 total reads

Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office of the Vice President at 112-milyong pisong confidential fund ng Department of Education ay naging malinaw base sa testimonya ng testigong si Gina Acosta, dating special disbursement officer ng OVP at OVP Assistant Secretary Lemuel Ortonio na tanging ang pangalawang pangulo ng Pilipinas at dating chief security officer nitong si colonel Raymund Lachica lamang ang nakakaalam kung paano ginastos ang kinukuwestiyong pera ng taong bayan.

Lumitaw din sa impeachment trial na naging standard operating procedure (SOP) o kalakaran na sa opisinang pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte na ang disbursement ng pera maging ito ay alkalde pa ng Davao city hanggang sa Office of the President at noong kalihim ito ng DepEd sa taong hindi bonded officer o walang pananagutan.

Sinasabi ng dalawang opisyal na sila ang opisyal na disbursing officer ng confidential fund ng OVP at DepEd pero sumusunod lamang sila sa utos ng Bise Presidente na ibigay ang pera kay Lachica dahil siya ang inatasan na mag-implement ng programa sa ground. Malinaw din na kung ano ang sasabihin ni Lachica na hindi bonded at accountable officer sa liquidation report kung paano ginastos ang pera ng taumbayan ay YES lang ng YES o sinusunod lamang ni Acosta at Ortonio.

Ang SOP, walang alam sina Acosta at Ortonio kung paano ginastos ang salapi., hindi sila nagtatanong kung bakit walang resibong ibinibigay sa liquidation., walang silang alam, hindi nila nasaksihan o nakita kung kanino at kung sino-sino ang binabayaran ni Lachica sa pera ng bayan. Para sa kanila, si Lachica lang ang may discretion., maaring utos ni VP Duterte?

Kapanalig, 500-milyong piso.., hindi 500-piso ang hindi ma-account na confidential fund., walang recipients at kung meron man, mga alyas ang inilagay sa disbursement., walang resibo… kung hindi kalakaran ng korapsyon ang nangyayari? Ano ang ginawa ni VP Duterte sa confidential fund? Ibinulsa., o nireward kanino?

Malinaw ang batas Kapanalig: confidential funds are subject to specific rules on release, use, reporting, and audit under COA-DBM Joint Circular No. 2015-01. “Confidential” describes the operation. It does not abolish accountability. Pinaka-simple, sinasabi ng Article XI, Section 1 ng 1987 Constitution, “public office is a public trust”.

Sa impeachment trial, ang public office para sa mga tao ni VP Duterte, “tiwala ako sa kasama ko”.,siya ang nakakaalam sa implementation sa ground… natural, hindi kikilos si Lachica kung walang basbas ng boss, ang pangalawang pangulo ng Pilipinas!

Kailangan pa bang patunayan na may nagbulsa sa 500-milyong pisong confidential fund para makita ang kalakaran sa mga opisina na pinamumunuan ni VP Duterte?

Kapanalig, sinasabi ng Peter 3:10-11; “Whoever would love life and see good days must keep their tongue from evil and their lips from deceitful speech. They must turn from evil and do good;they must seek peace and pursue it.”

Sana man lang, manaig ang konsensiya, pagiging tunay na public servant, katotohanan sa impeachment trial at pananagutan sa mga taong, tili ipinambili lang ng pandesal ang pera ng taumbayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 50,554 total reads

 50,554 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 100,048 total reads

 100,048 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 147,920 total reads

 147,920 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 251,868 total reads

 251,868 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 335,460 total reads

 335,460 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 50,555 total reads

 50,555 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 100,049 total reads

 100,049 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 147,921 total reads

 147,921 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top