A leader does not own the church, Bishop Occiano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,731 total reads

Iginiit ni Virac Bishop Luisito Occiano na hindi ganap na naisasabuhay ang synodality kung iniaatang sa mga layko ang mga gawain sa Simbahan ngunit hindi sila nabibigyan ng makabuluhang pagkakataon sa pagdedesisyon tungkol sa misyon ng pamayanan.

Sa paglulunsad ng Diocesan Pastoral Plan sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng Diocese of Virac noong August 27, sinabi ng obispo, na siya ring chairperson ng CBCP Office on Synodal Transformation, na ang pakikilahok ng mga layko ay hindi dapat manatili sa pagtulong lamang sa mga programa ng parokya.

“Sometimes we say that we want lay participation, but we give the laity responsibility without authority. We ask them to help, but we do not allow them to participate meaningfully in discernment… That is not synodality,” bahagi ng keynote address ni Bishop Occiano.

Binigyang-diin ng obispo na ang synodality ay nangangailangan ng pantay na karapatan batay sa pananagutan at bokasyon ng bawat kasapi ng Simbahan.

Ayon pa kay Bishop Occiano, hindi sapat ang paglikha ng mga konseho, komite at programang pastoral kung hindi nagbabago ang kalooban ng mga lingkod at mananampalataya tungo sa pakikinig at pagtutulungan.

“Synodality is not simply about changing structures. It begins with changing our loob,” ani Bishop Occiano.

“We can create committees, councils, programs, and pastoral plans, but if our kalooban remains closed, nothing fundamental has changed,” dagdag ng obispo.

Hinamon din ng obispo ang mga bagong halal na Parish Pastoral Council presidents na gawing tunay na pamayanan ng pagninilay, pakikinig at sama-samang pagpapasya ang kanilang mga konseho.

“The PPC should not become a ceremonial body that meets because the parish calendar says it should meet. It must become a discernment community,” saad ng pastol.

Paalala ni Bishop Occiano na ang mga pinuno sa Simbahan ay hindi mga may-ari ng kanilang tungkulin, kundi mga katiwalang pinagkatiwalaan ng Diyos.

“A leader does not own the Church… We are katiwala. We are entrusted with something that belongs to God,” giit ng obispo.

Kaugnay nito, nanawagan si Bishop Occiano ng pananagutan hindi lamang sa pananalapi kundi maging sa pamumuno, paggamit ng awtoridad, mga pagpapasya, at mga prayoridad na pastoral.

“A pastoral plan without accountability becomes simply a beautiful document. A pastoral council without accountability becomes merely a meeting,” babala ni Bishop Occiano.

Binigyang-diin niya na ang tagumpay ng bagong pastoral plan ay masusukat sa konkretong bunga nito sa mga parokya, Basic Ecclesial Communities, kabataan, pamilya, mahihirap at mga nasa laylayan.

“A pastoral plan is not successful because it is printed. It is successful because it is lived… Not because it is approved, but because it changes lives,” aniya.

Hinikayat ni Bishop Occiano ang buong diyosesis na tahakin ang landas mula “ako” tungo sa “kita,” at mula sa simpleng pagsasama tungo sa tunay na sabayang paglalakbay bilang iisang kristiyanong pamayanan at Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,476 total reads

 77,476 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,239 total reads

 172,239 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,507 total reads

 216,507 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,616 total reads

 239,616 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,263 total reads

 311,263 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top