Deboto ng Nuestra Señora de la Consolación y Correa, hinamon ng Obispo na tugunan ang suliranin ng komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,961 total reads

Hinamon ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga deboto ng Nuestra Señora de la Consolación y Correa na huwag ituring ang debosyon sa Mahal na Birhen bilang simpleng pagtanggap lamang ng aliw, kundi bilang panawagan sa konkretong pagkilos upang harapin ang mga suliranin ng komunidad, kabilang ang paulit-ulit na pagbaha.

Sa kanyang homiliya sa episcopal coronation ng imahe noong September 6 sa Parokya ng Santiago Apostol sa Paombong, Bulacan, sinabi ng obispo na ang tunay na “consolation” o kaaliwan mula sa Mahal na Birhen ay dapat magbigay ng lakas ng loob sa mga mananampalataya upang baguhin ang kanilang kalagayan.

“The consolation of the Blessed Virgin Mary is a call to action. Hindi ‘yung pakonswelo lang. Sa ating kalagayan ngayon, palagi na lang binabaha. Hanggang dito na lang po ba tayo? Pakonswelo na lang at wala nang gagawin?” ayon kay Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, hindi dapat humantong sa pagiging kontento sa pansamantalang tulong o ayuda ang pagtanggap sa mga suliranin ng komunidad bunsod ng kapabayaan at katiwalian.

“Nawa’y ang konsolasyon ng Mahal na Birhen ay magbibigay sa atin ng kapangyarihan at lakas-loob upang ayusin ang ating kalagayan, na hindi tayo maging kontento sa mga pakonswelo lang o mga excuses,” giit ng obispo.

Paliwanag ni Bishop Villarojo na ang Nuestra Señora de la Consolación y Correa ay hindi isang “passive consoler,” kundi isang Ina na kumikilos upang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.

Aniya, maging ang correa o sinturon na kaugnay ng debosyon sa Nuestra Señora de la Consolación ay maaaring makita bilang simbolo ng pagkilos.

Sinabi pa ng obispo na hindi lamang ito simbolo ng pag-iingat laban sa tukso kundi paalala rin na ang isang taong nakahanda at maayos ay nakakakilos nang mabuti at nagagampanan ang kanyang mga gawain.

Tinuran ni Bishop Villarojo na ang Mahal na Birhen ay dapat makita bilang Reyna na naghahangad na maiahon ang kanyang mga anak mula sa kanilang mga paghihirap.

“Siya ay babaeng reyna na naghahanap ng anumang kabutihang magawa upang maiahon ang kanyang mga anak na lubog sa baha,” aniya.

Nanawagan si Bishop Villarojo sa mga deboto na gawing buhay na halimbawa ang Mahal na Birhen sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang pamayanan.

“Nawa’y tayo rin ay gumawa ng aksyon, maging masigasig at marunong sa ating pagpaplano at mga gawain upang matugunan ang ating kalagayan,” saad ng obispo.

Samantala, sinabi ni Fr. Gener Garcia, kura paroko ng Parokya ng Santiago Apostol, na ang koronasyon ay hindi dapat maging katapusan ng isang taong paghahanda at debosyon, kundi simula ng mas malalim na pakikilahok sa buhay ng Simbahan at komunidad.

“Naganap na ang pangarap natin sa Mahal na Birheng Maria. Ngayon naman, ating isakatuparan ang pangarap ng Mahal na Birheng Maria sa ating parokya at sa ating bayan,” mensahe ng pari.

Hinimok niya ang mga deboto na makilahok sa gawaing pastoral, maglingkod at tumulong sa mga higit na nangangailangan.

“Tayo ay makisangkot sa gawaing pastoral ng simbahan, maglingkod sa abot ng ating makakaya, at tumulong sa ating mga kapatid na higit na nangangailangan,” aniya.

Hiniling din ni Fr. Garcia na ang mga deboto ay maging mga tagapagpadaloy ng pag-asa at pagbabago sa kanilang komunidad.

Ang debosyon sa Nuestra Señora de la Consolación y Correa sa Paombong ay may matagal nang kasaysayan at iniuugnay sa mga Agustinong nagpalaganap nito sa bayan noong ika-17 siglo.

Noong 1988 ay kinilala itong Patronang Pandangal ng Paombong at noong 2023 ay bilang Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,556 total reads

 38,556 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,293 total reads

 74,293 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,563 total reads

 300,563 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,031 total reads

 194,031 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,990 total reads

 285,990 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top