Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,474 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig na naglingkod at nagbantay sa katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon kay PPCRV Spokesperson Ms. Ana De Villa Singson, kahanga-hanga ang determinasyon at kahandaang maglingkod, ng mga PPCRV volunteer na handang mag-alay ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan bilang pagpapamalas ng kanilang pagmamahal sa bayan.

Ipinaliwanag ni Singson na mahalaga ang tungkuling ginampanan ng may 350,000 PPCRV field volunteers at 10,000 nakibahagi sa audit ng PPCRV sa Command Center nito upang patuloy na matiyak ang pag-iral ng demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan.

“We thank our 350,000 volunteers on the field, the over 10,000 who helped us audit in our PPCRV Command Center. To each and every one of you, THANK YOU! Your service to God and country is unparalleled, each one of you is a true hero!” Bahagi ng pahayag ni Singson sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Singson, nakabatay ang pangkabuuang ulat ng PPCRV kaugnay sa nakalipas na halalan sa mga transmitted votes na natanggap ng PPCRV mula sa COMELEC Transparency Service, mga physical Election Returns na nakolekta ng mga PPCRV field volunteers at mga ulat mula sa mga PPCRV Coordinators at Precinct Poll Watcher Volunteers sa buong bansa.

“PPCRV’s 2025 National and National Elections report is based on primary source data sourced from Transmitted Votes to our Transparency Server, Election Returns from Automated Counting Machines/ Precincts Nationwide, Reports from our PPCRV Coordinators and Precinct Poll Watcher Volunteers. With 350,000 volunteers in precincts nationwide, we have “boots on the ground” who directly witnessed the elections on a wide and in-depth scale. Read of their written accounts and also of the results of PPCRV’s Unofficial Parallel count which audited over 61K elections returns…the biggest audit of the 2025 Philippine elections.” Dagdag pa ni Singson.

Una ng binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang halalan ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan upang iprayoridad ang kapakanan at kinabukasan ng bayan na isang pagkakataon rin upang isulong ng bawat mamamayan ang isang lipunan kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pagmamalasakitan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 26,523 total reads

 26,523 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 247,141 total reads

 247,141 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 281,813 total reads

 281,813 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 297,713 total reads

 297,713 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 332,346 total reads

 332,346 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 51,410 total reads

 51,410 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top