15,330 total views
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy na paglaban sa soberanya ng Pilipinas. Ito ang pangako ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa ika-siyam na taong anibersaryo sa pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitral ruling na naghahayag na teritoryo ng Pilipinas ang West Philippines Sea (WPS).
Ayon kay Brawner, ang paggunita sa Arbitral Ruling ay pagpapaalala ng kalayaan na tinatamasa ng mga Pilipino.
” The Armed Forces of the Philippines (AFP) conducted a simultaneous flag-raising ceremony across all its units nationwide today, July 14, in commemoration of the 9th anniversary of the 2016 Arbitral Ruling on the West Philippine Sea, The central ceremony was held at Camp Aguinaldo and was led by AFP Chief of Staff General Romeo S Brawner Jr., emphasizing the significance of the historic ruling in asserting the country’s sovereign rights and upholding international law,” ayon sa mensaheng ipinadala ng AFP sa Radyo Veritas.
Sa pagdiriwang ng tagumpay ngayong araw, idinaos ng AFP ang magkakasabay na flag ceremony sa mga kampo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Unang nakiisa at nagpahayag ng paninindigan ang mga Obispo ng Pilipinas para sa West Philippine Sea na patuloy na inaangking ng China.
Naninindigan ang mga Obispo ng Pilipinas na ibalik ng China sa Pilipinas ang inaagaw na teritoryo upang malayang makapangisda ang mga Pilipino.




