Malitis sa Senado si VP Duterte, dasal ng pari na complainant ng impeachment

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,326 total reads

Nananalangin si Father Joel Saballa na isa sa mga impeachment complainant laban kay Vice-president Sara Duterte na mabibigyan ng patas na pagkakataon ang impeachment proceedings laban sa Opisyal sa oras na tuluyang madinig ito sa Senado.

Ayon kay Father Joel Saballa, ikinagagalak niya kasama ang iba pang complainant ang boto ng 257 na mga kongresista na pumabor sa impeachment dahil naging sapat at nakita ng mga mambabatas na totoo ang mga basehan at ebidensya ang inihain na mga reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

“Natutuwa kasi doon sa 257 na bumoto doon sa impeachment at nakikita nila na valid o yung ipresentan nating mga ebidensya, valid o yung mga na-present nating reklamo sa pangalawang Pangulo. At nakita naman natin yung fairness na ginawa ng Committee on Justice hanggang sa pagdidepensa nito sa Kongreso kahapon. Tayo’y nandoon din at kasama tayo sa proseso ng pakikinig doon sa Kongreso hanggang sa ito’y natapos. At yun nga, ngayon binabantayan natin ng Senado” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Saballa.

Ayon sa Pari, nakita rin nila ang pagiging patas ng House Committee on Justice sa naging pagtalakay at pagdepensa sa usapin sa Kongreso.

Umaasa rin ang Pari na agad na maipapadala sa Senado ang articles of impeachment upang kagyat na makapag-convene na ang impeachment court.

Nanawagan naman si Fr.Saballa sa mga senador na hayaang umusad ang proseso upang maipakita na nananatiling buhay ang demokrasya sa bansa at mabigyan ng pagkakataon na marinig ang panig ni Duterte gayundin ang mga ebidensyang ilalatag ng prosecution team mula sa Kongreso.

“At umaasa tayo na nanawagan tayo sa mga Senador na sana ay bigyan muna ng pagkakataon ang proseso nito.Ipagitan natin na buhay ang demokrasya sa ating bansa para magkaroon tayo ng pagkakataon na tayo ay makinig o marinig ano yung panig ng Pangalawang Pangulo.At the same time, mailatag naman ang ebedensya ng prosecution team na bubuin ng Kongreso.”

Iginiit pa ng pari na patuloy na makikiisa ang religious sector hanggang sa matapos ang impeachment proceedings bilang suporta rin sa mga naghain ng reklamo at ebidensya sa kaso.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,581 total reads

 11,581 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 195,086 total reads

 195,086 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,818 total reads

 226,818 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,641 total reads

 328,641 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 369,198 total reads

 369,198 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,875 total reads

 381,875 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,582 total reads

 11,582 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top