Tungkulin ng Senado na ituloy ang impeachment trial kay VP Duterte – Fr.Aquino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,816 total reads

Tungkulin ng Senado na ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte matapos maipadala ng Kamara ang Articles of Impeachment.

Ito ang binigyan diin ng constitutional expert na si Fr. Ranhilio Aquino at dating dean ng San Beda Graduate School of Law.

Paliwanag ng pari, malinaw na sinasaad sa Saligang Batas na kapag naipadala na sa Senado ang impeachment complaint na suportado ng hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Kamara, wala nang ibang dapat gawin ang Senado kundi bumuo ng impeachment court at simulan ang paglilitis.

“Very clearly, the intendment of the Constitution is to mandate the Senate, once the articles of impeachment have been sent to it by at least one-third of the membership of the lower house, to proceed to trial,” ayon kay Fr. Ranhilio Aquino, na dalawang dekadang naglingkod bilang dean ng Graduate School of Law at San Beda University at may hawak na Doctor of Jurisprudence degree mula sa Columbia Pacific University.

Binigyan diin ni Fr. Aquino, nakasaad sa dalawang probisyon ng Section 3, Article XI ng 1987 Constitution na tumatalakay sa proseso ng impeachment, na ang impeachment at ang paglilitis sa Senado ay: una, itinuturing na mga “constitutionally ordained avenues” upang papanagutin ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, at iba pang matataas na opisyal sa kanilang mga gawain; at ikalawa, ang naturang mandato ay hindi maaaring “derailed or ignored” ng mga mambabatas.

Matatandaang inaprubahan ng Kamara ang impeachment laban kay VP Duterte sa botong 257 pabor, 25 tutol, at siyam na abstention—mas mataas sa kinakailangang bilang upang umusad ang proseso.

Kabilang sa mga usaping nakasaad sa Articles of Impeachment ang unexplained wealth, maling paggamit ng confidential funds, mga discrepancy sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon pa kay Fr. Aquino, ang impeachment trial ay hindi karaniwang usaping pampulitika na maaaring ipagpaliban o balewalain ng Senado dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon bilang paraan upang papanagutin ang matataas na opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin din niya na hindi tungkulin ng Senado na pagtakpan ang anumang maling gawain, kundi tiyaking magkaroon ng patas na paglilitis—magpawalang-sala kung kulang ang ebidensya at magpataw ng hatol kung malinaw at matibay ang pagkakasala.

Pinaalalahanan din ni Fr. Aquino ang mga opisyal ng gobyerno na ang pampublikong posisyon ay isang tiwala ng mamamayan at kaakibat nito ang pananagutan, integridad, at tapat na paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 121,445 total reads

 121,445 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,774 total reads

 154,774 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,918 total reads

 186,918 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,981 total reads

 252,981 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 264,442 total reads

 264,442 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top