Pag-iral ng politika sa impeachment case ni VP Duterte, babala ng CGG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,091 total reads

Nagbabala ang grupong Clergy for Good Governance (CGG) laban sa sinasabing pag-iral ng pulitika at kapangyarihan sa gitna ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa inilabas na pahayag ng CGG, lumalalim ang pangamba ng publiko kasunod ng biglaang pagbabago sa Senado na maaaring makaapekto sa patas at makatarungang pagdinig ng impeachment case.

“Now, as the country watches the second impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte, the sudden political movements inside the Senate are creating serious public concern. People fear that truth and justice may once again be sacrificed for political survival and alliances,” ayon sa inilabas na pahayag ng CGG.

Ayon sa grupo na binubuo ng mga pari at relihiyoso, sawa na ang maraming Pilipino na makitang pinangangalagaan ang mga nasa kapangyarihan habang nananatiling walang malinaw na pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin ng grupo na ang usapin ay hindi na lamang tungkol sa politika o personalidad, kundi pagsusulit na rin sa kakayahan ng mga institusyon ng bansa na unahin ang katotohanan, konsensya, at Saligang Batas higit sa pansariling interes.

“This is no longer just about personalities or politics. It is about whether our institutions still have the courage to place truth above power, conscience above convenience, and the Constitution above political interests.”

Nanawagan din ang CGG sa mga senador na panindigan ang kanilang moral at konstitusyonal na tungkulin bilang mga pinunong pinagkatiwalaan ng mamamayan.

“As clergy, we appeal not only to the minds of our senators, but also to their moral responsibility as leaders entrusted with the people’s trust. Outside the halls of the Senate are millions of Filipinos still hoping that justice in this country applies equally to everyone.”

Giit pa ng grupo, hindi dapat maging kanlungan ang Senado ng pag-iwas sa pananagutan at pagsasantabi sa katotohanan alang-alang sa mga kasunduang pulitikal.

Ipinapaalala ng CGG na nakasalalay ngayon sa Senado kung mapapanatili ang tiwala ng publiko o lalo lamang pagtitibayin ang paniniwalang pinoprotektahan ng makapangyarihan ang isa’t isa habang ordinaryong mamamayan ang nagsasakripisyo.

Ayon pa sa pahayag, “At this critical moment, the Senate must decide whether it will stand for truth and accountability, or strengthen the painful belief that the powerful will always protect each other while ordinary Filipinos suffer the consequences.”

Nanawagan ang grupo ng panalangin upang manaig ang integridad, kababaang-loob, at katapangan sa pamumuno ng mga opisyal ng bansa.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,412 total reads

 11,412 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,627 total reads

 194,627 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,359 total reads

 226,359 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,182 total reads

 328,182 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,739 total reads

 368,739 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,429 total reads

 381,429 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top