Alisin ang “hypocrisy”, hamon ni Cardinal Tagle sa mga lider ng gobyerno at simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,339 total views

Nanawagan si Vatican Dicastery for Evangelization Pro-Prefect Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga lider, lingkod-bayan, at tagapaglingkod ng Simbahan na iwasan ang pagkukunwari at yakapin ang kababaang-loob sa pamumuno.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng kardinal na ang hypocrisy o pagkukunwari ay nagtutulak sa isang tao na magpanggap na alam niya ang lahat, kahit sa katotohanan ay hindi sapat ang kanyang kaalaman, lalo na sa harap ng mga hamon ng makabagong panahon.

Ibinahagi ito ni Cardinal Tagle sa kanyang keynote address sa isinagawang Serviam Servant Leadership Conference ng Serviam Catholic Community Foundation, Inc. na may temang “Servant Leaders as Pilgrims of Hope,” sa La Salle Green Hills, Mandaluyong City noong July 12, 2025.

“Hypocrisy leads us to pretend that we know everything. But in reality—walking humbly—makes us admit with calm that you do not know everything,” ayon kay Cardinal Tagle.

Pinaalalahanan ng kardinal ang mga pinuno na huwag ikahiya ang limitasyon ng kaalaman, at sa halip ay makipaglakbay at makipagtulungan sa iba na mayroong sapat na talino at kasanayan.

Tinukoy ni Cardinal Tagle na ang ganitong pananaw ay tanda ng pagiging magkakasamang manlalakbay tungo sa iisang layunin, kung saan ang lider ay hindi nangingibabaw kundi nagpapakumbaba at nagbibigay-daan sa pag-unlad ng bawat isa.

“We need to journey with others, we need collaborators, for our collaborators sometimes know more than we do. So, we need them and we should not be ashamed to let them know that we need them. As you exercise your authority, acknowledge also the valuable contribution of your co-pilgrims so that they will assume more responsibility,” paalala pa ng kardinal.

Dalangin ng kardinal na sa pagdiriwang ng Taon ng Hubileo ng Pag-asa, ang mga lingkod ng Simbahan ay magpatuloy sa pagiging tapat, mapagpakumbaba, at mapaglingkod na pinuno na handang magsakripisyo, makinig, at maglakbay kasama ang bayan ng Diyos tungo sa kapayapaan at kabuuang pagbabagong-loob.

Samantala, bukod kay Cardinal Tagle, nagbahagi rin ng kaalaman at inspirasyon sa gawain sina 2024 Synod delegate at lay theologian Dr. Estela Padilla; Rappler Religion Reporter Paterno Esmaquel II; Senator Risa Hontiveros; Businessman Avin Ong; actor Dingdong Dantes, at maging si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.

Nagtapos ang conference sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Serviam spiritual director, Fr. Anton Pascual, at Quiapo Church rector and parish priest, Fr. Jade Licuanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 6,421 total views

 6,421 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 6,422 total views

 6,421 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 120,242 total views

 120,242 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 143,193 total views

 143,193 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 163,892 total views

 163,891 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 5,431 total views

 5,431 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top