Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 259,675 total reads

Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT

Sa kabila ng matinding epekto ng krisis dulot ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, pagtaas ng inflation rate na pumalo sa 7.2-percent noong nakalipas na Abril 2026 at mahinang ekonomiya ng bansa. Naisahan na naman tayong mga consumer ng gobyerno at MERALCO.

Kapanalig, hindi natin napapansin ngunit na palang ginagawa ng MERALCO ang “pass-through charges” sa ating mga consumer.

Kasama sa pass-through charges ng MERALCO sa ating electricity bills ang 1. Generation 2. Transmission 3. System loss 4. Distribution 5. Senior citizen 6. Government taxes 7. Universal charges 8. Feed‑in Tariff Allowance 9. Green Energy Auction Allowance 10. Senior Citizen Discount, Lifeline Rate discount for 4Ps beneficiaries

Kapanalig, maging ang local franchise tax at 12 VAT ay sa mga consumer ipinapasa ng MERALCO ang bayarin. Di ba lantarang panloloko ito ng MERALCO sa kanyang mga consumer? Ang paliwanag ng MERALCO, matagal na nilang ginagawa ang pass-through charge dahil sa EPIRA o Electric Power Industry Act of 2001.

Kapanalig, hindi dapat tayong mga consumer na hindi na halos makahinga sa sobrang taas ng halaga ng mga bilihin ang pumapasan sa sobra-sobrang singil na mandato ng EPIRA? Hindi dapat ang taumbayan ang sumalo sa life discount kundi ang MERALCO at kanilang shareholders.

Sa ilalim ng Republic Act 9994, ang mga electric company ay maaring mag-claim ng senior citizen discounts bilang tax deductions hindi ipapasan sa consumers.

Kapanalig, ang MERALCO ay notorious sa over-collections sa kanilang mga consumer. Noong 2025, inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang utility firm na i-refund ang 100-bilyong pisong over-collection. Nai-refund lamang ng MERALCO ay 14.17-bilyong piso.

Dahil sa pass-through charges ng MERALCO, iminungkahi sa Senado na muling pag-aralan ang EPIRA. Pinapakilos din ang ERC na magsagawa ng komprehensibong review sa electricity rates at collection ng utility firm na maaring nagkaroon ng “double-counting” ng inflation costs sa electricity bill mula pa noong 2012.

Napaka-palad naman ng MERALCO, walang kalugi-lugi…protektado pa ng batas…

Kapanalig, napaka-importante sa atin na maging mapanuri lalu na sa mga batas at ipinapatupad na polisiya dahil marami sa mga nakatagong nilalaman nito ay pabor sa mga negosyante, hindi sa mamamayan.

Isinasaad sa Catechism of the Catholic Church 2443: “God blesses those who come to the aid of the poor and rebukes those who turn away from them. “Give to him who begs from you, do not refuse him who would borrow from, you received without pay, give without pay”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 479 total reads

 479 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 8,750 total reads

 8,750 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 81,398 total reads

 81,398 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 167,897 total reads

 167,897 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 210,933 total reads

 210,933 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 260,270 total reads

 260,270 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 8,751 total reads

 8,751 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 81,399 total reads

 81,399 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 167,898 total reads

 167,898 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 210,934 total reads

 210,934 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top