Pagtigil ng red-tagging, panawagan ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,468 total reads

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) ng agarang hakbang upang tuluyang wakasan ang red-tagging at maprotektahan ang mga human rights defenders sa bansa.

Ang panawagang ito ng Komisyon ng Karapatang Pantao ay batay sa resulta ng National Inquiry ng komisyon noong 2025 hinggil sa kalagayan ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon sa CHR, nananatiling laganap ang red-tagging na patuloy na pagbabansag sa mga indibidwal at grupo bilang “komunista,” “terorista,” o “kaaway ng estado,” kahit walang sapat na proseso o ebidensya.

“The Commission on Human Rights (CHR) reiterates its call to eliminate the practice of red-tagging and urges all branches of government to take urgent action to protect fundamental freedoms in the country. The CHR’s findings and recommendations are drawn from the National Inquiry on the Current Situation of Human Rights Defenders in the Philippines with a Focus on Incidents of Red-Tagging conducted in 2025.” Bahagi ng pahayag ng CHR.

Binigyang-diin din ng CHR na ang ganitong gawain ay naglalagay sa mga mamamahayag, abogado, estudyante, manggagawa, katutubo, at iba pang sektor sa panganib ng pagbabanta, pananakot, at karahasan.

Dagdag pa ng komisyon, naaapektuhan din nito ang mga pangunahing karapatan ng isang indibiwal tulad ng buhay, kalayaan, seguridad, at malayang pagpapahayag.

“The CHR underscores that red-tagging is not a harmless label. It creates a real and well-founded risk of harm. It exposes individuals to threats, harassment, and violence, and may serve as a precursor to grave human rights violations, including arbitrary detention, enforced disappearances, and extrajudicial killings.” Dagdag pa ng CHR.

Nanawagan din ang CHR sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na magsagawa ng magkakaugnay na hakbang upang tugunan ang usapin.

Hinimok din ng komisyon ang ehekutibo na magpatupad ng malinaw na polisiya laban sa red-tagging, ang lehislatura na magpasa ng batas na magpaparusa rito, at ang hudikatura na palakasin ang mga mekanismo ng proteksyon tulad ng writ of amparo at habeas data.

Iginiit din ng CHR na ang pagtugon sa mga banta sa seguridad ay dapat manatiling nakabatay sa paggalang sa karapatang pantao at hindi isakripisyo ang mga batayang kalayaan.

“The Commission stresses that efforts to address security threats must remain anchored in human rights. Counter-insurgency and counter-terrorism measures must not come at the expense of fundamental freedoms.” Ayon pa sa CHR.

Sa bahagi ng Simbahan nasasaad sa Pacem in Terris ni Pope John the 23rd, na mahalaga sa pagkakaroon ng isang maayos na lipunan ang pagkilala at pagsasabuhay sa dignidad at mga karapatan ng bawat isa sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,992 total reads

 31,992 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,983 total reads

 67,983 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,818 total reads

 121,818 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 183,801 total reads

 183,801 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 251,543 total reads

 251,543 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 3,160 total reads

 3,160 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top