Laudato Si’ farms, ilulunsad ng Diocese of San Jose Nueva Ecija.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 77,227 total reads

Ilulunsad ng Diyosesis ng San Jose sa Nueva Ecija ngayong Setyembre 5, 2026 ang SJD Laudato Si’ Farms na isang proyekto na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalikasan, sustainable development, organic farming, at mas malalim na ugnayan ng tao sa Diyos.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan sinabi ni Rev. Fr. Ricardo N. Pangilinan Jr., Executive Director ng Diocese of San Jose Nueva Ecija Social Action Center Foundation Incorporated na ang proyekto ay bunga ng inspirasyon ni San Jose Bishop Samuel Agcaracar, SVD na dati nang nanguna sa pagpapatayo ng SVD Laudato Si’ Farm sa Tagaytay bago siya naging Obispo ng San Jose.

Ayon sa Pari, nais ni Bishop Agcaracar na dalhin sa Diyosesis ng San Jose ang parehong pagsasama ng spirituality at ecology sa komunidad.

“Sa September 5, this coming Saturday, ilu-launch po natin ‘yung tinatawag nating Laudato Si’ Farms na located po sa Sitio Usok, Malasin, San Jose, Nueva Ecija.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pangilinan.

Pagbabahagi ng Pari, sa Sitio Usok bubuuin ang isang lugar na magbibigay-daan sa mga tao na higit na pahalagahan ang kagandahan ng sangnilikha kabilang ang planong pagtatanim ng maraming puno at pagtatayo ng mga retreat house para sa mga nais palalimin ang kanilang kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan at relasyon sa Diyos.

Ipinaliwanag din ni Fr. Pangilinan na ang proyekto ay nakaugat sa konsepto ng sustainable development, na isinasaalang-alang ang economic prosperity, social inclusion, environmental sustainability, at good governance.

“Magkakaroon ng development pero konti lang ‘yung trade-offs. Kumbaga, magdadagdag pa nga tayo ng puno.” Dagdag pa ni Fr. Pangilinan.

Inaasahan ding makikinabang ang mga komunidad sa paligid ng proyekto dahil maaari itong lumikha ng mga trabaho at iba pang oportunidad para sa mga residente.

Ayon kay Fr. Pangilinan, tinawag itong Laudato Si’ Farms dahil sa tatlong pangunahing proyekto ang binubuo ng Diyosesis, una ang Laudato Si’ Farm sa Sitio Usok na magiging mistulang hardin at lugar kung saan maaaring maranasan at pahalagahan ng mga tao ang kagandahan ng nilikha ng Diyos.

Aniya, ang mismong pangalan nitong Laudato Si’ na nangangahulugang “Praise be to you” ay isang paanyaya na makita ang kalikasan bilang biyaya ng Diyos.

“Upon looking at our surroundings, ‘yung kalikasan natin, ang masasabi na lang natin ay, ‘Pinupuri ka namin, Panginoon, kasi ang ganda ng ginawa mo.’” Ani Fr. Pangilinan.

Ikalawa, ayon sa Pari ay ang planong park sa Tahanan ng Damayang Kristiyano na magsisilbing bahay-ampunan ng Diyosesis, na nakalaan para sa mga pamilya at layuning magkaroon ng lugar kung saan maaaring magsama-sama ang mga pamilya, makapagpahinga, at magkaroon ng mas bukas na komunikasyon.

Ikatlo ayon kay Fr. Pangilinan ay ang Gratia Plena, na mayroon nang programa para sa organic farming at nagsisilbi ring lugar ng formation para sa organic agriculture.

Paliwanag ng Pari, nais ni Bishop Agcaracar na palawakin ito upang hindi lamang organic rice ang pagtuunan kundi maging ang organic vegetables at livestock, at higit pang mapaunlad ang lugar bilang isang agricultural school.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,046 total reads

 50,046 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,827 total reads

 146,827 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,096 total reads

 191,096 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,205 total reads

 214,205 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,144 total reads

 287,144 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top