Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,069 total reads

Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course para sa mga bagong Obispo sa Vatican na tinatawag na “Baby Bishops” course.

Ayon sa Pari, nasa siyam na mga bagong Pilipinong Obispo ang dumalo sa nasabing formation course sa Vatican layunin nitong ihanda ang mga bagong Obispo para sa kanilang mga bagong tungkulin bilang mga pastol ng Simbahan.

“Sa linggo na ito, kahapon nagsimula din ‘yung tinatawag na nickname lang naman “Baby Bishops” course. Course para sa mga bagong bishops. Hindi naman na baby sila, kundi bago silang ginawang obispo. Bago silang na-name ng ating Santo Papa na maging obispo sa iba’t ibang bahagi ng mundo.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, kabilang sa mga bagong obispong dumalo sa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang pitong bagong Obispo mula sa Pilipinas na sina Bishop Samuel Agcaracar ng Diyosesis ng San Jose sa Nueva Ecija; Bishop Dave Capucao ng Diyosesis ng Infanta; Bishop Glenn Corsiga ng Diyosesis ng Ipil; Bishop Sean Mejia ng Apostolic Vicariate of Tabuk; Bishop Edwin Panergo ng Diyosesis ng Boac; Bishop Nick Vaquilar ng Diyosesis ng Urdaneta; at Bishop Cyril Villareal ng Diyosesis ng Kalibo.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, kasama rin sa mga bagong Obispo na dumalo sa formation course sa Vatican ang mga Filipino bishops na naglilingkod sa iba’t ibang bansa na sina Bishop Nelson Po na Auxiliary Bishop of Perth sa Australia, at Bishop Andres “Andy” Ligot, Auxiliary Bishop of San José, California.

Ayon kay Fr. Gaston, patunay ito na ang mga Pilipinong pari at obispo ay patuloy na nakikibahagi sa misyon ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Kung saan-saan na ‘yung ating mga Pilipino nakakarating, mga bishops… Kaya marami din nagsi-serve tayo sa buong mundo, hindi lamang sa Pilipinas.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Sa tala, nagtipon sa Roma ang may 147 na bagong talagang obispo mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa isang formation course ng Vatican kung saan kabilang sa mga inaasahang matatalakay ang mga usapin tungkol sa pamumuno, pastoral ministry, liturhiya, pangangalaga sa mga bata, batas ng Simbahan at pakikipag-ugnayan sa ibang relihiyon.

Kasama rin sa programa ang pagtalakay sa mga hamon sa mga pari at komunidad, ang pagsusulong ng kapayapaan, gayundin ang encyclical ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas at ang sinodal na buhay ng Simbahan.

Magtatapos ang formation course sa Setyembre 10, 2026 sa pamamagitan ng isang Banal na Misa sa St. Peter’s Basilica, na susundan ng pakikipagpupulong ng mga bagong obispo kay Pope Leo XIV.

Samantala, hinikayat din muli ni Fr. Gaston ang mga mananampalataya na samahan si Pope Leo XIV sa pamamagitan ng tapat na pamumuhay bilang mga Kristiyano saan man sila naroroon sa mundo.

“Kaya patuloy po tayo, samahan natin ang ating Santo Papa, Pope Leo, sa ating buhay araw-araw bilang mga Kristiyano sa ating mga pamilya, sa ating trabaho, sa ating school. At doon natin natutulungan si Pope Leo.” Panawagan ni Fr. Gaston.

Una ng hinamon ni Pope Leo XIV ang bawat Kristiyano na dalhin ang pananampalataya sa labas ng Simbahan at isabuhay sa araw-araw ang pagiging bahagi ng Simbahan na hindi lamang nasusukat sa pagdalo sa mga gawain banal kundi sa konkretong paglilingkod, katapatan at malasakit sa kapwa at sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 45,910 total reads

 45,910 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 150,534 total reads

 150,533 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 236,645 total reads

 236,644 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 306,777 total reads

 306,777 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 338,542 total reads

 338,541 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top