Maging saksi at tagapagtaguyod ng kabataan, hamon sa mga religious superior

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,843 total reads

Nanawagan ang chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa mga religious superior na maging mga saksi at tagapagtaguyod ng kapayapaan, kasunod ng pagbisita ng mga delegado sa itinuturing na ground zero ng Zamboanga Siege sa Silsilah Elementary School.

Ayon kay Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, mahalagang matutuhan mula sa karanasan ng Zamboanga na maaaring maghilom ang mga sugat ng anumang tunggalian at isulong ang pagkakaisa ng pamayanan sa pamamagitan ng pakikinig.

“Wounds can actually be healed, conflicts can actually be reconciled if we simply listen to one another,” pahayag ni Fr. Redoblado sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng pari na hindi imposible ang pagkakamit ng kapayapaan, lalo na sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim na matagal nang namumuhay nang mapayapa sa komunidad.

“Peace is not impossible. It is possible. We just have to work for it and build bridges so that peace can be created,” ani Fr. Redoblado.

Hinikayat ni Fr. Redoblado ang mga religious superior na simulan ang pagtataguyod ng kapayapaan sa loob mismo ng kanilang mga komunidad, mga paaralan at parokya upang higit itong mapalawak sa buong pamayanan.

“Hopefully we can really be beacons or prophetic witnesses of peace in our country,” aniya.

Sinabi rin ng pari na nakita niya sa mga survivor ng Zamboanga Siege ang pagnanais na lampasan ang karanasan ng karahasan at, sa halip, ay maglaan ng sarili sa pagsusulong ng kapayapaan.

Ang pagbisita ng mga religious superior sa ground zero ay bahagi ng national convention ng CMSP, kung saan nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga residente sa lugar, partikular sa Silsilah Elementary School—isang institusyong nagsusulong ng pakikipagkaibigan at kapayapaan sa pagitan ng mga batang Kristiyano at Muslim.

Samantala, binigyang-diin ni Fr. Redoblado na bagama’t mabagal ang proseso ng peacebuilding, magiging mabunga ito kung patuloy na magtutulungan ang mga komunidad.

Nakatuon sa paksang ‘Tindig’ ang ikaapat na araw ng convention kung saan pinagnilayan ang temang ‘Standing as Prophetic Witnesses of Peace’. Stand firm in the faith; be courageous; be strong.” (1 Corinthians 16:13).

Tampok dito ang pilgrimage of peace kung saan isinusulong ang interreligious dialogue, peacebuilding initiatives, indigenous peoples, care for creation, at social outreach ministries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,202 total reads

 51,202 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,910 total reads

 147,910 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,179 total reads

 192,179 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,288 total reads

 215,288 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,155 total reads

 288,155 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top