Simbahan hindi dapat manatili sa loob ng parokya, kailangan itong makiisa sa buhay ng sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,141 total reads

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang Simbahan ay tinatawagan na maging aktibong bahagi ng mundo at makiisa sa mga hamon ng pang-araw-araw na buhay ng bawat isa.

Sa kanyang ulat sa Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma at Vatican Correspondent ng Radio Veritas ang mga pangunahing kaganapan sa Vatican, kabilang ang Wednesday Audience ng Santo Papa kung saan tinalakay ni Pope Leo XIV ang Gaudium et Spes, isa sa mga dokumento ng Second Vatican Council.

Ayon kay Fr. Gaston, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi lamang dapat manatili ang Simbahan sa loob ng mga parokya kundi kailangang makiisa sa buhay at mga pangangailangan ng sangkatauhan.

“Sabi ng Second Vatican Council, pinaalala ni Pope Leo na involved ‘yung Simbahan sa buong mundo. Hindi lamang sa sacristy, hindi lamang sa loob ng Simbahan, ‘no, kundi sa labas.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na ang mga sakramento at buhay-pananalangin ay nagbibigay ng lakas sa mga Kristiyano upang maisabuhay ang kanilang pananampalataya sa pamilya, trabaho, paaralan at iba pang larangan ng lipunan.

“Sayang ng buhay natin kung buong araw nasa parokya tayo… Kundi sa labas, doon sa pamilya, doon sa trabaho… kung saan man tayo, doon tayo pinapadala ng Panginoon.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Binigyang-diin din ng Pari na hindi kailangang laging ipakita o ipangalandakan ang pagiging Katoliko sapagkat mas mahalagang makita ito sa paraan ng naayong pamumuhay at pakikitungo sa kapwa.

“Dahil Katoliko tayo sa loob natin, alam natin, kahit hindi natin i-announce na ako ay Katoliko, gagawin ko pa rin ‘yung dapat kong gawin. ‘Yung alam ko na mabuting gawin.” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Paliwanag ni Fr. Gaston, bahagi rin ng pagiging isang Simbahang sinodal sa mundo ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihina, kabilang ang mga biktima ng kalamidad, may sakit at nagugutom, gayundin ang pagtatayo at pagpapatakbo ng mga paaralan at ospital upang makatulong sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,924 total reads

 49,924 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,709 total reads

 146,709 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,978 total reads

 190,978 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,087 total reads

 214,087 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,036 total reads

 287,036 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top