Catholic researcher, nananawagan ng pagtutulungan sa “elder care”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,774 total reads

Nanawagan ang isang Catholic researcher sa mga religious congregation sa Pilipinas na magtulungan sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan sa pangangalaga sa matatandang religious at consecrated persons.

Ito ang panawagan ni Sr. Thu Do, LHC, sa mahigit 233 religious superiors na dumalo sa national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City.

Ayon kay Sr. Do, hindi na dapat ituring na suliranin lamang ng isang congregasyon ang elder care kundi isang kolektibong hamon ng buong religious community.

“Today, elder care and other issues in consecrated life are no longer an isolated congregational issue. They are collective challenges facing every congregation,” ayon kay Sr. Do.

Inilahad ng madre sa convention ang resulta ng pag-aaral ng Center for Applied Research in the Apostolate o CARA sa 45 women religious congregations sa Pilipinas, na isinagawa katuwang ang CMSP.

Batay sa datos, 70 porsyento ng mga professed members ay edad 50 pataas, habang 30 porsyento lamang ang wala pang 40 taong gulang.

Binigyang-diin ni Sr. Do na nagpapahiwatig ito ng patuloy na pagtaas ng pangangailangan para sa elderly care sa mga susunod na dekada.

Samantala, halos 40 porsyento ng mga kongregasyon ang naglalaan ng mahigit kalahati ng kanilang taunang budget para sa pangangalaga sa matatandang miyembro, habang financial assistance ang pangunahing pangangailangang tinukoy ng 79 porsyento ng mga respondent.

Ayon sa madre, isa rin sa pangunahing suliranin ang kakulangan ng mga pasilidad na angkop sa mga matatandang relihiyoso.

“Our traditional convents were built for young, active mission, not for elder care,”
ayon pa sa madre.

Iminungkahi ni Sr. Do ang pagtatatag ng inter-congregational care facility na sama-samang susuportahan ng mga religious institute sa ilalim ng CMSP.

Lumabas sa pag-aaral na 57 porsyento ng mga kongregasyon ang nagpahayag ng interes sa pagkakaroon ng ganitong pasilidad.

Bukod sa imprastraktura, hinimok din ni Sr. Do ang CMSP na palakasin ang pagsasanay ng mga relihiyoso sa gerontology, palliative care at iba pang larangan ng pangangalaga sa matatanda.

Binigyang-diin niyang dapat simulan ang paghahanda sa pagtanda bago pa man umabot sa retirement age ang isang religious.

“Healthy aging does not begin at retirement. How a member lives in his or her 40s and 50s directly dictates how he or she ages in his or her 70s and 80s,” aniya.

Iginiit ni Sr. Do na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga kongregasyon, mas magiging posible ang pagtatayo ng sustainable at holistic na sistema ng pangangalaga sa matatandang relihiyoso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,474 total reads

 49,474 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,280 total reads

 146,280 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,549 total reads

 190,549 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,658 total reads

 213,658 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,634 total reads

 286,634 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top