2nd Marian Congress, isasagawa ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,013 total reads

Inihayag ng Archdiocese of Manila ang pagdaraos ng Second Manila Archdiocesan Marian Congress sa Oktubre 10, 2026 sa National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa RCAM Circular No. 2026-81 na inilabas noong Agosto 31, 2026 gaganapin ang Marian Congress mula alas-6:30 ng umaga hanggang ala-1:30 ng hapon sa loob ng shrine compound.

Tema ng Second Manila Archdiocesan Marian Congress “Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahang Sinodal: Hubog, Buklod, Lingkod,” na layuning ipakilala ang Mahal na Birheng Maria bilang Ina at kapwa Pilgrim ng Simbahan na kasama ng Sambayanan ng Diyos sa paglalakbay tungo sa synodality.

Nakaugat ang tema sa naging Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA) na bibigyang-diin ang papel ni Maria sa paghubog ng pananampalataya, pagbubuklod ng komunidad, at paglilingkod sa kapwa.

“This year’s theme, “Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahang Sinodal: Hubog, Buklod, Lingkod,” is a response to the recent Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA). The congress seeks to present the Blessed Virgin Mary as both Mother and fellow Pilgrim of the Church, accompanying the People of God in the journey of synodality through formation, unity, and service.” Bahagi ng sirkular ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Tampok sa nakatakdang Second Manila Archdiocesan Marian Congress ang dalawang pangunahing sesyon kung saan tatalakayin ni Rev. Msgr. Pedro Gerardo O. Santos, parish priest ng St. Andrew the Apostle Parish sa Bel-Air, Makati, ang “Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahang Sinodal: Hubog, Buklod, Lingkod.”

Samantala, tatalakayin naman ni Rev. Msgr. Reginald Malicdem, Vicar General at Moderator Curiae ng Archdiocese of Manila, ang “Maria, Salamin ng Katwiran: Ang Pakiklakbay ng Mahal na Birhen sa mga Usaping Panlipunan ng Ating Bayan.”

Magkakaroon din ng concurrent sessions na maaaring pagpilian ng mga kalahok, kabilang ang “Si Maria sa Tahanan ng Nazaret – Hubog,” na pangungunahan ni Rev. Fr. Cristino Pine, OFM; “Si Maria noong Araw ng Pentecostes – Buklod,” ni Dr. Victoria N. Apuan; at “Si Maria sa Kasalan ng Cana – Lingkod,” ni Rev. Fr. Roberto Titco.

Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mga pari, communities of consecrated life, at lay faithful na makiisa sa Second Manila Archdiocesan Marian Congress bilang bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan tungo sa mas malalim na communion, participation, at mission.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon para sa nakatakdang gawain, maaaring makipag-ugnayan sa Parish Office ng National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,166 total reads

 39,166 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,880 total reads

 74,880 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,150 total reads

 301,150 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,618 total reads

 194,618 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,543 total reads

 286,543 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top