Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

SHARE THE TRUTH

 62,044 total views

Mga Kapanalig, itigil ang patayan!

Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim ng kampanya kontra droga.

Batay sa datos ng UP Third World Studies Center, may mahigit 600 na drug-related killings na naitala mula nang manungkulan si Pangulong Bongbong Marcos Jr noong Hunyo 2022. Sa mga unang pahayag ni PBBM, sinabi niyang ipagpapatuloy niya ang kampanya kontra droga ngunit mas bibigyang-pansin daw ang rehabilitasyon at pagtulong sa mga drug personalities. Sa harap ng nagpapatuloy na pagdanak ng dugo sa mga komunidad, nananawagan ang Amnesty International sa gobyernong maglabas ng “explicit and categorical policy” na itinitigil na ang war on drugs. Dapat na raw tuldukan ang mga patayan. Mahalaga ang malinaw na pagpapahinto sa madugong kampanya kontra iligal na droga. Ayon sa Human Rights Watch, ang pagkabigo ng administrasyong Marcos Jr na aksyunan ang patuloy na karahasan ay nagpapalakas ng loob ng ibang opisyal ng pamahalaan, katulad ni Davao City Mayor Sebastian Duterte, na buhayin ang madugong kampanya kontra droga.

Patuloy din ang panawagan para sa hustisya ng mga pamilyang naulila dahil sa war on drugs. Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV, lumapit na raw ang International Criminal Court (o ICC) sa mahigit limampung kasalukuyan at retiradong opisyal ng Philippine National Police (o PNP) kaugnay ng mga pagpatay. Paliwanag ng dating senador, kasama ang mga opisyal sa iimbestigahan ng ICC sa crimes against humanity na ipinaparatang kay dating Pangulong Duterte. Titingnan ang papel ng mga pulis sa kaso ng mga pagpatay sa war on drugs. Kung hindi raw sila makikipagtulungan sa imbestigasyon, maaari silang ituring na mga suspek.

Hindi itinanggi o kinumpirma ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo na lumapit na ang ICC sa mga pulis. Gayunpaman, naninindigan daw ang PNP na gumagana ang judicial system sa ating bansa, at ito lamang ang kinikilala ng kapulisan bilang may jurisdiction sa mga kasong kaugnay ng mga sinasabing pang-aabuso ng mga pulis sa pagpapatupad ng war on drugs. Nananatiling mailap ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng pagpatay sa ilalim ng giyera kontra droga ni dating Pangulong Duterte. Pinalalakas nito ang loob ng mga patuloy na pumapatay sa ngalan ng pagsugpo sa iligal na droga.

Sa gitna ng patuloy na pagyurak sa dignidad ng tao, patuloy din ang paninindigan ng Simbahan: “Huwag kang papatay.” Ang mga taong bahagi ng kanilang buhay ang droga ay mga nilikha ng Diyos at may hindi matatanggal na dignidad. Makasalanan sila gaya nating lahat, ngunit walang maliw ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Katulad ng sinasabi sa Roma 8:38, walang anuman ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos. Walang kasalanan, kahit gaano kabigat, ang makapagbubura ng katotohanang kamahal-mahal tayo sa mata ng Diyos.

Kaugnay nito, binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na hindi magiging realidad ang isang makatarungang lipunan hangga’t may mga taong yinuyurakan ang kanilang dignidad. Kaya malaking hamon para sa pamahalaan at sa lahat ng mananamplatayang protektahan at itaguyod ang dangal ng tao. Dapat nang matigil ang pagdanak ng dugo at walang saysay na karahasan sa ngalan ng kampanya kontra iligal na droga.

Mga Kapanalig, ipinaaalala ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti na mali ang pagpatay. Hindi lamang dahil hindi ito katanggap-tanggap o dahil may karampatan itong kapurasahan. Ito ay dahil yinuyurakan nito ang katotohanang bawat isa sa atin ay may dignidad. Itigil ang patayan!

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 14,576 total views

 14,576 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 25,204 total views

 25,204 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 46,227 total views

 46,227 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 65,067 total views

 65,067 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 97,616 total views

 97,616 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-PESOS WAGE HIKE

 14,577 total views

 14,577 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 25,205 total views

 25,205 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 46,228 total views

 46,228 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 65,068 total views

 65,068 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 97,617 total views

 97,617 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 89,691 total views

 89,691 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 122,310 total views

 122,310 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 119,326 total views

 119,326 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 121,255 total views

 121,255 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 130,364 total views

 130,364 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »
Scroll to Top