104,389 total views
50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region?
Sa July 18, 2025 ipapatupad ng Department of Labor and Management ang 50-pesos na umento sa sahod. Mabibiyayaan nito ang 1.2-milyong minimum wage workers sa NCR. Mula sa 645-pesos na minimum wage ng mga non-agricultural workers ay magiging 695-pesos na ang kanilang arawang sahod. Sa mga manggagawa sa agri,services at retail mula sa 608-pesos magiging P658 na ito.
Mabilis na kumilos ang NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pag-aprubado ng wage increase matapos kapusin sa oras ang Senado at Kamara na mapag-isa at maisapinal ang 200-pesos at 100-pesos na across the board legislated wage increase nationwide. Kung naisabatas ang legislated wage increase, ibig bang sabihin., dapat nang buwagin ang mga TWPB sa bawat probinsya sa Pilipinas? Di kaya, mabilis na tumugon ang TWPB sa pakiusap ng mga negosyante dahil sa takot sa legislated wage increase? Maigi nang mauna kaysa mahuli… Sa pagbubukas ng 20th Congress, marami sa mga mambabatas ang naghain ng panukala para sa legislated wage increase.
Kapanalig, katanggap-tanggap ba sa mga manggagawa ang 50-pesos na umento sa sahod ng mga minimum wage earners sa NCR?
Para sa Church People-Workers Solidarity (CWS), welcome ang wage hike… Pero, ang sabi ng grupo…hindi makatao ang dagdag sa sahod, malayo ito sa 1,200-pesos na daily cost of living..Tinagurian ng grupo na pro-business at anti-workers ang kakarampot na pagtaas sa sahod ng mga manggagawa sa NCR na hirap na hirap na pagkasyahin ang suweldo sa pang-araw araw na gastusin.. mahal ang mga bilihin., mahal ang bayarin sa mga serbisyo, pamasahe.
Gusto ng mga manggagawa ang legislated wage increase., ayaw ito ng mga employers., magsasara daw ang maraming kumpanya lalu na ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs). Ang totoo Kapanalig, ang isang minimum wage earners sa Pilipinas., magreretiro na lang, mahirap pa rin dahil sa maliit na sahod… ang mga employer, triple ang kinikita. Nasaan ang social justice?
Kapanalig, sang-ayon ka ba na ang desisyon ay pagpapakita ng kawalan ng habag ng DOLE at RTWRB lalu na ng mga employer sa mga manggagawa?
May epekto kaya ang 50-pesos na wage hike sa mga manggagawa na sumasahod ng minimum? Nabunyag sa SWS survey noong April 2025 na tumaas ng 20-porsiyento ang bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger (kagutuman). Naitala sa Mindanao ang mataas na bilang ng kagutuman 17.3-percent.,14.3-porsiyento sa Visayas at 20-percent sa Metro Manila habang 17-percent sa Luzon
Ipinaalala ni Pope Leo XIII sa kanyang encyclical na RERUM NOVARUM (45) sa mga lider ng pamahalaan at mga employer na “The working man is not be treated as a slave;in the market place, he is not simply a merchandise”.The worker is not a cog in the machinery of capital. He is a person, made in the like and image of God. The rich have a responsibility to help the poor, and charity is an important duty of all Christian”.
Sumainyo ang Katotohanan.