2025 hanggang 2027, idineklarang special year ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,536 total reads

Idineklara ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang taong 2025 hanggang 2027 bilang espesyal na taon para sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa bilang paghahanda sa 25th Canonical Anniversary ng bikaryato sa 2027.

Pinangunahan ni Bishop Mesiona sa misang idinaos sa Immaculate Conception Cathedral ng Puerto Princesa noong ikatlo ng Hulyo, 2025 ang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng elevation o pagdideklara sa Palawan bilang isang Apostolic Vicariate mula sa pagiging Apostolic Prefecture noong July 3, 1955.

Nakatakda namang gunitain sa taong 2027 ang 25th Canonical Anniversary mula ng opisyal na itatag ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa matapos na hatiin sa dalawa ang Apostolic Vicariate of Palawan noong May 13, 2002.

“I solemnly declare that the years 2025–2027 will be years of celebration and thanksgiving for the Apostolic Vicariate of Puerto Princesa in joyful anticipation of its 25th Canonical Anniversary.” Bahagi ng deklarasyon ni Bishop Mesiona.

Hinamon naman ng Obispo ang mga mananampalataya sa bikaryato na patuloy na yakapin ang misyong higit pang palaganapin ang pananampalataya sa Panginoon kasabay ng pagharap sa kinabukasan na may pag-asa sa pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa lahat.

“Panibagong pangako, tanawin ng may pag-asa. Ihanda natin ang ating sarili para sa susunod na kabanata ng misyon,” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Katuwang ni Bishop Mesiona sa pagpapastol sa mahigit 500,000 Katoliko sa Puerto Princesa ang may 60 mga Pari na kanya ring katuwang sa pangangasiwa sa 36 na parokya sa bikaryato.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,577 total reads

 14,577 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,704 total reads

 14,704 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 26,443 total reads

 26,443 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 82,849 total reads

 82,849 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 206,350 total reads

 206,350 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 290,413 total reads

 290,413 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top