Pagulungin ang proseso ng batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 122,230 total reads

Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (o ICC). Interim release sa isang hindi pa tinutukoy na bansa ang kanilang apela. 

Giit ng kampo niya, hindi naman daw flight risk ang dating presidente. Narito pa ang ilang pangako nila.  Una, “Duterte will not abscond.” Hindi raw siya tatakas. Pangalawa, “Duterte will not imperil proceedings if released.” Hindi raw niya ilalagay sa alanganin ang mga pagdinig kung siya ay papayagang lumaya pansamantala. Halimbawa, hindi niya pagbabantaan ang mga magibibigay ng testimonya o ang mga kaanak ng mga biktima ng madugong war on drugs. Wala raw impluwensya o kapangyarihan si dating Pangulong Duterte. (Pero hindi ba nasa poder pa rin ang kanyang mga anak?) Pangatlo, “Duterte will not continue to commit crimes.” Hindi na raw siya gagawa ng anumang krimen. (Ibig sabihin ba nito, may pag-amin na nakagawa si dating Pangulong Duterte ng krimen?) At panghulli, “Humanitarian factors militate in favor of interim release.” Dapat din daw isaalang-alang ang kanyang edad; 80 anyos na si dating Pangulong Duterte.

Mahigit tatlong buwan nang nasa ICC si dating Pangulong Duterte, at para sa mga naulila ng kanyang marahas na kampanya kontra iligal na droga, malaking hakbang na ito tungo sa katarungan. Ang pagbigyan siyang makalaya kahit pansamantala ay hindi nila matatanggap. Sinagot ng prosekusyon ang hiling ng kampo ng dating presidente. Anila, sa mata ng pamilya ni dating Pangulong Duterte, kinidnap ang kanilang padre de pamilya. Hindi nila kinikilalang lehitimo ang paghuli at pagpapanagot sa kanya, kaya hindi malayong gumawa sila ng paraan para itago ang kanilang tatay. Kung kinidnap nga naman ang isang tao, hahanap at hahanap siya at ang kanyang pamilya ng paraan para makatakas sa mga kumidnap, ‘di po ba?

Sa Setyembre 23 ang susunod na pagdinig sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Duterte. Kukumpirmahin doon ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Kaunting panahon na lang ang hihintayin para magsimulang gumulong ang proseso ng batas. Baka pwede nang hintayin ng kampo ni dating Pangulong Duterte ang araw na ito. Tutal, maayos naman ang kalagayan niya sa ICC; malayong-malayo sa kondisyon ng mga bilanggo sa ating bansa. Masuwerte pa nga siya kung tutuusin dahil kaya ng kanyang pamilya na kumuha ng serbisyo ng magagaling na abogado. Kung edad naman ang pag-uusapan, sinabi ng mga eksperto na hindi ito kinikilalang batayan ng ICC. Hindi daw pababayaan ng korte ang mga matatandang bilanggo. 

Hindi maikakailang hinati tayong mga Pilipino ng pag-aresto sa maituturing na pinakasikat na presidente ng Pilipinas. Pero pakaisipin sana nating hindi ito tungkol sa kanya lamang. Hindi ito tungkol sa pang-aapi sa kanya, sa pagkidnap sa kanya, o sa pamumulitika ng mga magkakakalabang paksyon. Usapin ito ng katarungan para sa mga kababayan nating pinagkaitan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili sa harap ng batas, bagay na ibinibigay ngayon kay dating Pangulong Duterte. Usapin ito ng dignidad ng mga pinatay sa ngalan ng pangakong kapayapaan at kaayusan. Usapin ito ng pagpapanagot (o accountability) sa mga lider nating umabuso sa kapangyrihang ipinagkatiwala sa kanila. Lahat ng ito ay pinahahalagahan sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan.

Mga Kapanalig, mababasa natin 2 Samuel 21:1-14 ang kahandaan ni Haring David na pagbayaran ang mga kasalanan ng kanyang bayan sa mga Gibeonita. Pero hindi natin gugustuhin ang pagpayag ni Haring David sa karasahang gusto ng mga biktima ni Saul, kaya ang paggulong ng proseso ng batas ang ating pinapanigan. Mapalad si dating Pangulong Duterte na nasa panahon tayong mas nais pairalin ang makataong pagpapanagot sa mga nagkasala.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 15,195 total reads

 15,195 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 15,322 total reads

 15,322 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 27,724 total reads

 27,724 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 84,130 total reads

 84,130 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 207,631 total reads

 207,631 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 291,648 total reads

 291,648 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 27,725 total reads

 27,725 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 84,131 total reads

 84,131 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 207,632 total reads

 207,632 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top