Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

SHARE THE TRUTH

 26,689 total views

Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings.

Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng dignidad at pagpapahalaga ang lahat ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang naaangkop na himlayan at huling hantungan.

Ayon sa Pari, ang ‘Dambana ng Paghilom’ ay isa ring paalala sa kahalagahan at kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang na tila nakalimutan ng mga mamamayan sa ilalim ng pamamahala ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Para sa akin ang kahalagahan nitong memorial site, isang himlayan na may dangal ay isang pagpapakita na ang tao ay may dangal, ang tao ay dapat pagpahalagahan buhay o patay. Ito yung nakalimutan ng mga tao noong anim na taon na patayan ni [dating Pangulong] Rodrigo Duterte na walang habas na pinatay, pinaslang ng walang kalaban laban…” pagbabahagi ni Fr. Villanueva sa naganap na groundbreaking ceremony sa Dambana ng Paghilom noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Nakatakda ang opisyal na inauguration ng Dambana ng Paghilom sa Mayo-a-uno, 2024 sa La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City.

Inaanyayahan naman ang mga nagnanais na makibahagi sa pagpapasina sa kauna-unahang EJK Memorial Site na magsuot ng kulay putting damit bilang pakikiisa at suporta sa mga kapamilya ng mga biktima ng EJK.

Una ng inihayag ni Fr. Villanueva na aabot sa 400 na mga urns ng mga biktima ng EJK ang maaring ihimlay sa 100 espasyo ng Dambana ng Paghilom kung saan tatlo hanggang apat na mga urns ang maaring magkasya sa bawat isang espasyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,508 total views

 13,508 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,445 total views

 33,445 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,705 total views

 50,705 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,264 total views

 64,264 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 80,844 total views

 80,844 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,068 total views

 7,068 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 20,091 total views

 20,091 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 27,138 total views

 27,138 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top