34,481 total views
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa kasarinlan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa tinatamasang kalayaan ng Pilipinas.
“To celebrate this Day of Valor is to recall the sacrifices and sufferings of our heroes who offered their lives for our freedom. They thought first of all the sovereignty of country, its liberation from invading enemies. They fought for rights and dignity. Let us remember them with gratitude and appreciation for what they have done to us. What we enjoy now-freedom and independence-are because of them.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Binigyang diin rin ng Obispo ang kahalagahan ng patuloy na pagsusumikap ng bawat isa na mapanatili ang kalayaan ng bansa.
Iginiit ni Bishop Santos na mahalagang mapanatili ang kaayusan at pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagsasantabi ng pagiging makasarili at masasamang gawi na magbubunga ng pagdurusa sa mas nakararami.
Umaasa ang Obispo na tuwinang mamayani ang kalayaan, mga karapatan at dignidad ng mamamayang Pilipino.
“Now, let us be resolve to denounce wars, conflicts which will result only to destruction and death. We work hard to foster and promote peace so that all would live in harmony, orderly and in equality. Let us then set aside selfishness, sins and vices that would enslave us and ruin our lives. Let us free ourselves from anything that will lead us to disgrace, and violate our rights and dignity. Lastly let us pray and work together for good of our country, for our success of all and for God’s glory.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Tema ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong taon ang “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Filipino.”
Ang Araw ng Kagitingan o Day of Valor ay isa ring pag-alala sa tinaguriang Bataan Death March kung saan sapilitang pinalakad ng mga Hapon ang mga Filipino at Amerikanong sundalo na tinaguriang mga ‘prisoners of war’ mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.
Batay sa tala, mula sa mahigit 75-libong Filipino at Amerikanong sundalo na sumuko sa mga Hapon ay nasa 20,000 ang namatay dahil sa naranasang kalupitan bukod pa sa gutom at sakit habang naglalakbay ng mahigit sa 100-kilometro.