Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Naglahong pera na naman?

SHARE THE TRUTH

 71,295 total views

Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon.

Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Bago mag-Semana Santa, ibinulgar ni Senador Sherwin Gatchalian ghost students ang mahigit 19,000 na senior high school students na nasa ilalim ng voucher program ng DepEd. Lumabas ito sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education kung saan tinalakay ang malaking halagang sinisingil ng mga pribadong paaralan mula sa voucher program ng gobyerno. Aabot kasi sa 239 milyong piso ang kailangang i-refund ng pamahalaan sa mga paaralang kasali sa programa. 

Nanghihinayang si Senador Gatchalian—at dapat tayo rin—sa subsidy program na itinatag para sa mga senior high learners na kapos sa buhay. Ganitong karami—19,000 na estudyante—ang hindi matukoy o mahanap. Ayaw silang tawagin ng Private Education Assistance Committee (o PEAC) na ghost students. ”Undocumented voucher program beneficiaries” daw ang tamang termino.

Ilang araw pagkatapos ng pagdinig, natuklasan din ng komite ni Senador Gatchalian na lampas kalahati (o 53%) ng alokasyon para sa senior high school voucher program ay napakinabangan ng mga estudyanteng hindi naman mula sa mahihirap na pamilya. Sa 13.7 bilyon pisong inilaan para sa programa noong school year 2021-2022, 7.2 bilyong piso ang napunta sa mga senior high school students na “nonpoor” o hindi naman maituturing na nangangailangan ng subsidiya. “Wastage and leakage” daw ito, giit ng senador. Sayang nga kung totoong napunta sa mga hindi nangangailangan ang pera ng programang layong tulungan ang mga mahihirap na estudyanteng nais magtapos ng high school. Ang voucher ay nagkakahalaga ng mula ₱14,000 hanggang ₱22,500. 

Nakatulong din sana ang voucher program upang mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong high school. Gamit ang vouchers, maaaring mag-enroll ang mga nangangailangang estudyante sa mga pribadong paaralang kalahok sa programa. Pero, ayon pa rin sa datos mismo ng gobyerno, mahigit kalahating milyong senior high school students ang walang regular classrooms. Kung naging maayos lamang ang pagpapatupad ng gobyerno ng voucher program, nasolusyunan sana ang congestion sa ating mga paaralan.

Maliban sa kabiguang maabot ang mga dapat maabot ng senior high school voucher program, napakalaking pera ng taumbayan ang napunta sa mga mali o kaya naman ay mga hindi matukoy na mga benepisyaryo. Paanong nakalusot ang mga ito? May paliwanag ba ang DepEd? O hahayaan na lang itong malimutan ng publiko, katulad ng misteryosong confidential funds na naglahong parang bula sa loob ng kulang-kulang dalawang linggo?

Obligasyon ng lahat na mag-ambag sa tinatawag nating common good o kabutihang panlahat, isang mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Pero may natatanging papel ang gobyerno sa pagtitiyak na nariyan ang mga kondisyong nagbibigay sa atin ng pagkakataong maging mga produktibong bahagi ng lipunan. Kasama rito ang pagtulong sa mga nangangailangan at mahihirap. Ito ang diwa ng senior high school voucher program—ang tulungan ang mga walang kakayanan sa buhay na makapagtapos sa pag-aaral nang sa gayon ay makapagtatrabaho sila, mapaunlad ang kanilang sarili, makatulong sa kanilang pamilya, at makapag-ambag sa ating ekonomiya. “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,” sabi nga sa Mga Kawikaan 16:16, gaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga natin dapat sa edukasyon.

Mga Kapanalig, huwag sanang masira ang senior high school voucher program ng mga mapagsamantala. Huwag sana itong magamit sa maling paraan. Huwag sana itong maging instrumento ng katiwalian. Kung mangyari ang mga ito, hindi lamang ninanakawan ang kaban ng bayan; ninanakawan din ng kinabukasan ang kabataang Pilipino. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 15,541 total views

 15,541 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 21,765 total views

 21,765 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 30,458 total views

 30,458 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 45,226 total views

 45,226 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 52,348 total views

 52,348 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 15,542 total views

 15,542 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 21,766 total views

 21,766 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 30,459 total views

 30,459 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 45,227 total views

 45,227 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 52,349 total views

 52,349 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 45,775 total views

 45,775 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 45,547 total views

 45,547 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 45,248 total views

 45,248 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 37,582 total views

 37,582 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 77,162 total views

 77,162 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 84,716 total views

 84,716 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 80,599 total views

 80,599 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 92,146 total views

 92,146 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 96,253 total views

 96,253 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 73,150 total views

 73,150 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top