Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,742 total reads

Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier? 

Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng halaman, ngunit kinuha niya rin ito at pabirong pinangingiti sa harap ng camera. 

Nag-viral ang naturang video, pero matapos umani ng maraming batikos mula sa publiko, binura na ito ng vlogger. Humingi na rin siya ng paumanhin. Ngunit katwiran niya, ililipat lamang daw nila sa gubat ang mga tarsier na napadpad sa kanilang lugar. Kinumpirma naman sa pahayag ng DENR Region XII na naibalik na ang mga tarsier sa gubat. Gayunpaman, pinag-aaralan daw ng ahensya ang mga susunod na hakbang sa insidenteng ito, kabilang ang pagsasampa ng reklamo sa mga vloggers. 

Para kay environmental lawyer Atty. Ester Gertrude Biliran, maituturing na maltreatment ang ginawa ng mga vloggers. Paliwanag niya, hindi dapat hinahawakan at iniistorbo ang mga tarsier. Sila ay mga nocturnal animals na hindi dapat inaabala sa kanilang pagtulog. Marami ring netizens ang nanawagang papanagutin ang mga vloggers. Para sa kanila, hindi dapat ginagamit na content sa social media ang pananakit sa mga tarsier. 

Ayon sa grupong Endangered Species International, kalahati lamang ng mga tarsier na ikinukulong ang nabubuhay. Sensitibong hayop ang mga tarsier at madaling ma-stress sa ingay, liwanag, at iba pang kundisyong iba sa kanilang buhay sa natural nilang tirahan. May mga pagkakataon pa ngang iniuuntog nila ang kanilang ulo hanggang sa mamatay, dahil sa tindi ng stress na kanilang nararanasan.

Labag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pagbibiyahe sa mga wildlife at pagmamaltrato o pananakit sa mga ito. Ang mga napatunayang gumagawa nito ay may parusang sampung araw hanggang isang buwan na pagkakakulong at pagbabayarin ng isa hanggang limanlibong piso, kung ang hayop na sinaktan ay other threatened species (o OTS). Kabilang sa mga OTS ang tarsier. Noong 1997, nilagdaan din ni dating pangulong Fidel Ramos ang Presidential Proclamation No. 1030 na idinedeklara ang mga tarsier bilang “Specially Protected Faunal Species of the Philippines.” Ibig sabihin, dapat pahalagahan at pangalagaan ng publiko at ng pamahalaan ang kalagayan ng mga tarsier at ng kanilang tirahan. 

Ipinaaalala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang tungkulin ng bawat Katolikong pangalagaan at protektahan ang sangnilikha. Inuudyukan tayo ng ating pananampalataya na siguruhing walang nananakit at umaabuso sa mga hayop, halaman, at iba pang may buhay, lalo kung para lamang ito sa pansariling interes o kagustuhan. Ang bawat nilikha ay magkakaugnay. May relasyon sila sa isa’t isa. Sa madaling salita, ang pag-abuso sa anumang nilikha ay may epekto sa biodiversity o mayamang buhay ng kalikasan. Bilang mga “tagapangasiwa sa hardin ng Eden,” pahiwatig nga sa Genesis 2:15, tungkulin nating kumilos upang maitaguyod ang kalusugan at patuloy na paglago ng bawat nilikha. 

Kaya naman, maling gamitin ang sangnilikha, lalo na ang mga threatened species gaya ng mga tarsier, para lamang makakuha ng maraming likes at shares sa social media o para lamang mag-viral at sumikat. Kung magiging content man ang sangnilikha, mas mainam kung tungkol ito sa pangangalaga sa kanila.

Mga Kapanalig, ang nangyaring ito sa South Cotabato ay magsilbi sanang paalala sa lahat vloggers na responsableng gamitin ang kanilang plataporma. Hamon din sa ating mga nakakikita at nanonood ng iba’t ibang content na maging mapanuri sa mga tinatangkilik nating vloggers. Online man o offline, maging mga tunay at mabuti tayong tagapangasiwa ng mayamang harding ipinagkaloob sa atin ng Dakilang Maylika.

Sumainyo ang katotohanan.  

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 5,404 total reads

 5,404 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 58,554 total reads

 58,554 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 143,920 total reads

 143,920 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 190,656 total reads

 190,656 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 238,528 total reads

 238,528 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 339,577 total reads

 339,577 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 58,555 total reads

 58,555 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 143,921 total reads

 143,921 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 190,657 total reads

 190,657 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 238,529 total reads

 238,529 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top