Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 70,883 total views

Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV.

Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs sa bansa. Sa harap ng matinding trapiko, nagsisilbing accessible at abot-kayang alternatibo ang LEVs sa hindi maaasahang pampublikong transportasyon, lalo na sa mga lungsod. Kung mapapansin natin, karaniwang gumagamit ng LEVs ay mga nanay, matatanda, may kapansanan, at mga magulang na naghahatid-sundo sa mga anak. Higit pa sa pagiging alternatibong mode of transport, ang LEVs ay nagbibigay-daan sa empowerment ng mga itinuturing na vulnerable at marginalized. Gamit ang mga LEVs, natutugunan nila ang kanilang mga pangangailangan, nakapaghahanapbuhay sila, at naa-access nila ang mga kailangan nilang serbisyo. Nakatutulong din ang LEVs sa pagkilos o mobility ng mga may kapansanan sa kalunsuran kung saan maraming bangketa ang hindi na nga naaayon ang disenyo sa kanilang pangangailangan, pinaparadahan o dinadaanan pa mismo ng mga kotse at motorsiklo. Ang LEVs ay nagsisilbing behikulo ng mga marginalized sectors sa pagkamit ng accessible, affordable, at inclusive mobility.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, hindi naman daw tuluyang ipinagbabawal ang paggamit ng LEVs. Aniya, nais lamang nilang i-regulate ang mga ito dahil sanhi raw ang mga ito ng traffic at road crash incidents o banggaan. Ngunit batay sa datos mismo ng MMDA, 2% lang ng mga banggaan sa Metro Manila noong 2022 ang kinasangkutan ng mga light vehicles. Mahigit 50% ay mga pribadong sasakyan ang sangkot habang mahigit 20% naman ay motorsiklo. 

Tama lang na may regulasyon sa paggamit ng iba’t ibang uri ng sasakyan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Pero kung pagbabatayan ang nabanggit nating datos ng MMDA, hindi kaya mas dapat higpitan ang regulasyon sa mga tunay na sanhi ng banggaan at aksidente sa lansangan? Totoong mas malawak na ang bike lane network ngayon na maaaring daanan ng LEVs. Ngunit maliban sa kulang at putul-putol ang mga ito, talamak naman ang iligal na paggamit ng mga ito bilang fast lane at parking space ng mga de-motor na sasakyan. Inilalagay ng mga ito sa panganib ang mga lehitimong bike lane users. Pero sa inilabas na patakaran ng MMDA, mas nahihikayat ang mga taong gumamit na lamang ng pribadong sasakyan at motorsiklo. Mas dadami ang de-motor na sasakyan sa kalsada; mas titindi ang trapiko, polusyon, at init sa lansangan; at mas dadami ang carbon emissions na nagpapalala sa krisis sa klima.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binanggit ni Pope Francis na ang mindset o pag-iisip na walang malasakit sa kapaligiran ay kapareho sa pag-iisip na walang pagsasaalang-alang sa maliliit at mahihina lipunan. Ito ang tila ipinakikita ng regulasyong ito ng MMDA. Sa pagbuo ng mga patakaran, kailangang pakinggan ang boses ng mga karaniwang mamamayan, kabilang ang mga walang sariling sasakyan at umaasa sa mga LEVs. Kung hindi, nagreresulta ito sa mga patakarang pabor sa interes ng mga mas makapangyarihan at dominante kaysa ng mga maliliit, isinasantabi, at binabalewala.

Kung matatandaan, Abril noong 2023 nang mag-study tour ang MMDA upang pag-aralan ang inclusive urban mobility sa Netherlands. Isang taon matapos isagawa ang study tour, bakit tila kabaliktaran ng mga natutunan nila roon ang ipinatutupad ng ahensya? Maliban sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, kailangang suportahan ng gobyerno ang integrated mobility sa sistema ng transportasyon. 

Mga Kapanalig, katulad ng wika sa Filipos 2:4-5, magkaroon sana tayo ng kaisipang nagmamalasakit at nagsasaalang-alang sa kapakanan ng mahihina sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 35,074 total views

 35,074 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 42,555 total views

 42,555 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 55,695 total views

 55,695 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 61,668 total views

 61,668 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 67,420 total views

 67,420 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 35,075 total views

 35,075 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 42,556 total views

 42,556 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 55,696 total views

 55,696 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 61,669 total views

 61,669 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 67,421 total views

 67,421 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 42,563 total views

 42,563 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 43,647 total views

 43,647 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 39,028 total views

 39,028 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 51,032 total views

 51,032 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 59,074 total views

 59,074 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 50,631 total views

 50,631 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 49,056 total views

 49,056 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,842 total views

 50,842 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,767 total views

 47,767 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 62,081 total views

 62,081 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top