Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Responsableng kasiyahan

SHARE THE TRUTH

 47,137 total views

Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan. 

Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon nga ay kung namimiyesta ka.

Kaso, nitong huling pagdiriwang ng kapistahan sa San Juan, kasabay ng pagsaboy ng tubig ang pagbuhos ng reklamo ng mga hindi naman namiyesta pero binasa pa rin ng mga residente. Mas naging agresibo na kasi ang mga nambabasâ. Pati mga inosenteng commuters ay hindi pinalampas. Pilit na inakyat ang mga jeep para “binyagan” ang mga nakasakay. Binuksan ang mga kotse at hinarang ang mga naka-motor para sabuyan ng tubig. Hindi lang mga tao ang nababasâ; basâ pati ang kanilang mga gamit, gaya ng mahahalagang papeles, pagkain, at mga gadgets

At dahil usong-uso ang social media, ginawang content ng ilang residente ang pamamasâ nila ng mga tao. Ang iba, naka-livestream pa ang kasiyahan nila habang binubuhusan ng tubig ang mga walang kamuwang-muwang na napadaan lang at hindi alam ang tungkol sa piyesta ng lungsod. Perwisyo na nga ang hatid ng pambabasâ sa mga tao, isinapubliko pa sila sa internet nang walang permiso.

Siguradong hindi ito aprubado ni San Juan Bautista.

May isang delivery rider na naghain ng pormal na reklamo sa munisipyo ng San Juan. Binasâ kasi siya gamit ang water gun at sa post na kumalat online, kitang-kitang nakadila pa ang nambasâ na parang inaasar ang driver. Mismong ang mayor pa ng San Juan ang kumausap sa nagreklamo at nangakong kikilos ang kanyang opisina para maturuan ng leksyon ang nambasâ. Lumipas ang ilang araw, lumutang ang lalaking nambasâ sa delivery rider. Nagpa-press conference pa ang mayor para sa public apology ng lalaki. Sa hiwalay na okasyon, pinagtagpo sila ng mayor, at siyempre, nasa social media ang paghingi ng tawad ng lalaking nambasâ.

Malaking bahagi ng ating tradisyon ang mga kapistahan, at marami sa mga ito ay nakaugnay sa pananampalatayang Katoliko, gaya ng mga pista para sa isang patron. Hindi nga ba’t sa kredo tuwing Banal na Misa, ipinapahayag natin ang ating pagsampalataya sa “kasamahan ng mga Banal” o “communion of Saints.” Isang pagpapakita ng pahayag na ito ang paggunita sa kanilang kapistahan.

Pero may mga nakasanayang paraan ng pagdiriwang na hindi na angkop sa kabanalan ng mga araw na ito. Ang nakalulungkot, nadudungisan ang dapat sana ay seryoso at taimtim na paggunita. Hindi na natin maiaalis ang kasiyahan gaya ng mga kainan at mga palaro, pero gawin sana natin ang mga ito nang responsable.

Napag-uusapan na rin lang natin ang responsableng pagsasaya, panahon na ring pag-isipan kung paano nakaaapekto sa ating kapaligiran ang mga paraan natin ng pagdiriwang. Gaya ng maraming mahahalagang okasyon sa ating pamayanan, tambak na basura ang bumubungad sa atin kinabukasan. May mga pagkain ding hindi nauubos, napapanis, at kailangang itapon. Sayang! Sa kaso ng basaan sa San Juan, malinaw na malinaw ang pag-aaksaya ng tubig. Napakahalaga ng tubig para sayangin. Tiyak na may iba pang paraan ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Bautista nang hindi nagsasayang ng tubig.

Mga Kapanalig, sa huli, may mas mahalaga kaysa sa mga pistang ito. Sabi nga ng Panginoon sa Amos 5:21-25, “Namumuhi ako sa inyong mga handaan, hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon…Tigilan na ninyo ang maiingay na awitan; ayoko nang marinig ang inyong mga alpa. Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang ‘di natutuyong batis.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 102,153 total views

 102,153 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 109,928 total views

 109,928 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 118,108 total views

 118,108 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 133,218 total views

 133,218 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 137,161 total views

 137,161 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 102,154 total views

 102,154 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 109,929 total views

 109,929 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 118,109 total views

 118,109 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 133,219 total views

 133,219 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 137,162 total views

 137,162 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 62,157 total views

 62,157 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 76,328 total views

 76,328 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 80,117 total views

 80,117 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 87,006 total views

 87,006 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 91,422 total views

 91,422 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 101,421 total views

 101,421 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 108,358 total views

 108,358 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 117,598 total views

 117,598 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 151,046 total views

 151,046 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 101,917 total views

 101,917 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top