MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 166,866 total views

Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan?

Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang itatawag sa mga Senador. Kung merong mga drama Queen., marami na rin ang mga komedyante. Ang nakakalungkot, ang Senado ay nagiging Senate of illiterate na?

Kapanalig, kung naguguluhan ka sa Senado., kung panahon ang pag-uusapan mapapakamot ka sa ulo. Pati pala panahon ay litong-lito na? Bakit?

Nahaharap ngayon ang Pilipinas sa tinaguriang “climate paradox” dahil sa pagbabago ng panahon o climate change.

Sa kasalukuyan, parehong pinaghahandaan ng mga ahensiya ng pamahalaan ang matinding tagtuyot at malawakang pagbaha.

Sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magsisimula ang rainy season sa huling lingo ng Mayo at unang lingo ng Hunyo 2026 na magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Ang El Nino naman ay maaring magsimula ng Hunyo hanggang Agosto ng taong kasalukuyan. Paano nangyaring magkasabay ang dalawang sama ng panahon?

Di ba hindi magkatugma ang mga ahensiya ng pamahalaan, ang ibang ahensiya ay abala sa disaster preparedness habang ang ibang tanggapan ay ikinasa na ang emergency measures sa pinangangambahang tagtuyot na malaking epekto sa mga pananim.

Sa ulat ng Office of the Presidential Adviser, Peace, Reconciliation and Unity, ang CARAGA o Region 13 ay tinaguriang ground zero sa climate paradox kung nararanasan ang tagtuyot habang dumaranas din ng flash floods. Ang Region 9 naman ay kasalukuyang dumaranas ng matinding tagtuyot gayundin ang Region 10, 11, 12 na may pag-uulan.

Sa Luzon, 13 lalawigan tulad ng Abra, Apayao, Bataan, Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Pangasinan at Zambales ay inaasahang makakaranas ng tagtuyot sa susunod na dalawang buwan.

Ano ang mangyayari kapag nag-overlap ang tag-ulan at tagtuyot? Ipinaliwanag ng PAGASA, ang southwest monsoon o habagat ay magdudulot ng malalakas na ulan mula Mayo hanggang Setyembre dahil sa epekto ng El nino.
Nagbabala pa ang PAGASA na mula Oktubre hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon ay inaasahang malalakas na tropical cyclone, bagyo at supertyphoons ang tatama sa bansa.

Sinasabi sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis na ang mundo ay nahaharap sa dalawang krisis- crises, one environmental and the other social. “but rather with one complex crisis which is both social and environmental.”Ayon sa namayapang Santo Papa, we need “an integrated approach to combating poverty”, one which “protects nature” while at the same time “restoring dignity to the excluded” (139).

Kapanalig, upang matugunan ang pinsalang dulot ng climate crisis., patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika na magkaroon tayo ng ecological conversion, maging mabuting katiwala ng panginoon sa sangnilikha.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 2,251 total views

 2,251 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 35,333 total views

 35,333 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 63,684 total views

 63,684 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 131,414 total views

 131,414 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 154,378 total views

 154,378 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 2,252 total views

 2,252 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 35,334 total views

 35,334 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 63,685 total views

 63,685 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 131,415 total views

 131,415 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top