Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 178,873 total reads

Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education Act of 2013, Layon nitong ihanay ang education system sa global standard at i-angat ang kuwalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Bago ang K-12, ang basic education sa Pilipinas ay kinabibilangan lamang ng 10-taong pag-aaral: anin na taon sa elementarya at apat na taong secondary education.

Pero 13-taon matapos i-implement ang K-12 system sa bansa, batay sa statistics at mga pag-aaral sa halip na makatulong, tumataas ang level ng stress, anxiety at depresyon sa mga estudyanteng Pilipino.

Dahil sa K-12, nadagdagan ang problemang financial ng mga magulang lalo na yaong nasa poverty line dahil sa mahal na matrikula, libro, uniforms at pamasahe. Tumaas din ang bilang ng drop-out lalo na sa mga low income families at hindi sapat na paghahanda sa mga magtatapos ng K-12 upang makapasok ng trabaho.

Ang nakakaalarma, inulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na 87-porsiyento ng mga Grade 11 students ay hirap sa reading comprehension. Ipinapakita ng datos na malawak at sistematiko ang problema sa edukasyon.

Hindi lang yan Kapanalig, sinasabi din sa pag-aaral ng EDCOM 2 na 88-percent ng incoming Grade 12-Senior High School students ay hindi proficient readers o hindi maalam sa pagbabasa. Marami sa mga graduate ng K-12 ay hindi kayang umunawa sa binabasa.

Systematic ang problema,mula sa curriculum, sa mga implementor, sa mga estudyante, sa mga guro, sa mga paaralan.

Inamin din ng EDCOM 2 na hindi pa ganap na natutugunan ng Department of Education (DepEd) learning recovery program na ARAL ang learning gaps dahil sa kakulangan sa tutoring at mababang attendance ng mga estudyante.

Bukod dito, naunang iniulat ng UNICEF at PISA na ang mga estudyante sa K-12 program ay mahina sa reading, math at science kumpara sa ibang bansa.

Sa pag-aaral ng Philippine Statistic Authority (PSA), tinatayang 18.96-milyong high school graduates noong 2024 ang itinuturing na “functionally illiterate” dahil marunong magbasa ngunit hirap na umunawa sa binabasa.

Anong nangyari Kapanalig? Ano ang problema? Saan nagkulang? Bakit sa halip na tumaas ang kuwalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay tila nagiging pulpol ang mga estudyanteng Pilipino?

Kapanalig, sinasabi ng 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas ng Pilipinas Article XIV Section 1-2: The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.

SECTION 2. The State shall:(1) Establish, maintain, and support a complete, adequate, and integrated system of education relevant to the needs of the people and society;

Nakasaad naman sa Catechism of the Catholic Church 2222-Parents must regard their children as children of God and respect them as human persons. Showing themselves obedient to the will of the Father in heaven, they educate their children to fulfill God’s law.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 205,495 total reads

 205,495 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,168 total reads

 240,168 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,068 total reads

 256,068 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 292,556 total reads

 292,556 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 298,958 total reads

 298,958 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 205,496 total reads

 205,496 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,169 total reads

 240,169 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,069 total reads

 256,069 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 292,557 total reads

 292,557 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top