Mananampalataya, hinimok na makiisa sa 9-day novena sa Philippine Heart Center chapel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,271 total reads

Inaanyayahan ng Philippine Heart Center (PHC) Chapel ang mga mananampalataya na makibahagi sa siyam na araw na nobenaryo bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Immaculate Heart of Mary, patrona ng kapilya, mula June 4 hanggang June 12.

Ayon kay PHC Chaplain Fr. Almar Roman, MI, layunin ng nobenaryo na ihanda ang mga deboto para sa pagdiriwang ng kapistahan sa June 13.

“May these days of prayer serve as a heartfelt and solemn preparation for the Fiesta Celebration and Memorial of the Immaculate Heart of the Blessed Virgin Mary on June 13, 2026,” pahayag ni Fr. Roman.

Binigyang-diin din ng pari ang kahalagahan ng debosyon sa Mahal na Ina na makatutulong upang higit na mapalapit at mapalalim ang ugnayan ng tao sa Panginoon.

“Through this novena, may we grow closer to Jesus as we offer our love, gratitude, and devotion to our Blessed Mother,” pahayag ni Fr. Roman.

Ibinahagi rin ng pari na pangungunahan ng iba’t ibang pari ang siyam na araw na misa nobenaryo ng Immaculate Heart of Mary Chapel.

“We also welcome our invited priest-presiders who will accompany us on this spiritual journey, leading us in prayer and a deeper encounter with Christ through Mary,” dagdag ng pari.
Gaganapin ang mga Novena Mass sa PHC Chapel sa pangunguna ng iba’t ibang pari mula sa mga diyosesis at kongregasyon.

Kabilang sa mga magdiriwang ng misa sina Fr. Bon Arimbuyutan, MI ng Camillians, Fr. Arnel Aquino, SJ ng Ateneo de Manila University, Fr. Robin Ross Plata, OAR ng Order of Augustinian Recollects, Fr. Eliseo Navarro, MI ng National Kidney and Transplant Institute, Fr. Joseph Franz Dizon ng Diocese of Malolos, Fr. Jerone Geronimo, OP ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, Fr. Julius Callanga ng Diocese of Cubao, Fr. Primitivo Guinit, MI ng St. Camillus Medical Center, at Fr. Mc Andro Landingin ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Pangungunahan naman ni Fr. Roman ang Fiesta Mass sa June 13, alas-8 ng umaga, kasabay ng paggunita ng Simbahan sa Immaculate Heart of the Blessed Virgin Mary.
Ang kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika tuwing Sabado pagkatapos ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,084 total reads

 30,084 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,031 total reads

 81,031 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 128,902 total reads

 128,902 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,850 total reads

 232,850 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 317,450 total reads

 317,450 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top