Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

SHARE THE TRUTH

 51,884 total views

Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan. 

Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama ang ilang pulis, mga miyembro ng Philippine Coast Guard, at kinatawan umano ng San Miguel Corporation (o SMC). Ayon sa mga community leaders, paaalisin daw sila sa isla na gustong gawing ecotourism project ng SMC. Inalok din daw sila ng nasabing kumpanya ng ₱100,000 kada pamilya kapalit ng pag-alis sa isla. Humingi ng tulong ang mga residente sa Commission on Human Rights (o CHR) na nagsagawa agad ng konsultasyon nitong mga nakaraang buwan. Inimbitahan ng CHR ang SMC pero hindi ito sumipot.

Ayon sa DAR, nagpunta sila sa Maria Hangin upang ipaliwanag sa mga residente ang desisyon nitong alisin ang isla sa ilalim ng tinatawag na notice of coverage ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (o CARPER). Nagkaroon din daw ng public consultation at mga hearing ang lokal na pamahalaan ng Balabac para pag-usapan ang pinaplanong ecotourism project. Sa mga meeting na ito, nagpahayag ng pangamba ang mga residente sa posibleng pinsalang dala ng proyekto sa kanilang tirahan at kabuhayan. Giit ng mga environmental groups, ang 38 ektaryang Maria Hangin Island ay pinag-iinteresan ng SMC para sa isang 25,000 ektaryang ecotourism project. Itinanggi naman ng kumpanya ang akusasyong security personnel nito mula sa karatig na isla ng Bugsukkung saan may malawak na mga lupaing pagmamay-ari ang kumpanyaang nasabing armadong grupo.

Apektado sa harassment ng armadong grupo ang nasa 130 pamilya, na karamihan ay seaweed farmers. Nasa 30 pamilya na rin ang umalis dahil sa pananakot. Marami na ang nananawagan, pati na si Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa, na mamagitan na ang gobyerno upang itigil ang karahasan at protektahan ang karapatan ng mga katutubo. Dumulog din sila sa National Commission on Indigenous Peoples para bilisan nito ang pagproseso sa ancestral domain claim ng mga katutubo sa isla nang maresolba ang tumitinding alitan sa lupa. 

Sa kanyang mensahe noong 2014, sinabi ni Pope Francis na ang land grabbing o pang-aagaw ng lupa ay isa sa mga kasamaang naghihiwalay sa mga katutubo sa kanilang lupang pinagmulan. Ang paghihiwalay na ito ay hindi lamang pisikal na pag-alis sa kanilang lugar. Para ring inaalisan ng ugat ang kanilang pagkatao, pagkakakilanlan, at paniniwala. Sa pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupang ninuno, nanganganib na mawala ang kanilang paraan ng pamumuhay at malalim na ugnayan sa lupa. 

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang pagtataguyod ng human dignity at solidarity. Sa pagsusulong ng kaunlaran, hindi lamang ang materyal na pangangailangan ng mga mamamayan ang tinutugunan. Hindi dapat balewalain ang karapatan at dignidad ng bawat isa. Lalong hindi dapat isinasantabi ang mga katutubong madalas agawan ng lupa ng mga korporasyon, pulitiko, at mga mayayamang nagmamay-ari na ng malalawak na lupain.

Mga Kapanalig, ayon sa grupong Global Witness noong 2021, mahigit 40% sa mga pinatay na land and environmental defenders sa nakalipas na dekada sa Pilipinas ay mga katutubong ipinagtanggol ang kanilang lupa at ang kalikasan. Huwag sanang humantong sa ganito ang sitwasyon ng mga kapatid natin sa Maria Hangin. Walang pinipiling panahon ang karahasan laban sa mga isinasantabi sa lipunan, kaya patuloy din sana ang pagkilos at pakikiisa natin sa mga panawagang ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol. Gaya ng pahayag sa Mga Kawikaan 31:8-9, ipaglaban natin ang karapatan ng mga api at igawad sa kanila ang katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pandaigdigang kapayapaan

 5,442 total views

 5,442 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 16,357 total views

 16,357 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 24,093 total views

 24,093 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 31,580 total views

 31,580 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 36,905 total views

 36,905 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pandaigdigang kapayapaan

 5,443 total views

 5,443 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diabolical Proposal

 16,358 total views

 16,358 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasayang Ng Pera

 24,094 total views

 24,094 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Crisis

 31,581 total views

 31,581 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 36,906 total views

 36,906 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 39,928 total views

 39,928 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 34,309 total views

 34,309 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 48,526 total views

 48,526 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 61,744 total views

 61,744 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 53,659 total views

 53,659 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 56,841 total views

 56,841 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 58,240 total views

 58,240 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 56,583 total views

 56,583 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 65,225 total views

 65,225 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 74,785 total views

 74,785 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top