Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,330 total reads

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas.

Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana na maaprubahan ng Vatican bilang international shrine.

“Once approved by Rome, it is going to be the second international shrine in the Philippines,” ayon kay Bishop David.

Ayon sa obispo ito ang isa sa tinalakay at napagkasunduan ng mga obispo sa katatapos na 128th plenary assembly ng CBCP na ginanap sa Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City, ang kauna-unahan sa Mindanao.

Pinagtibay ng CBCP ang hangarin ng arkidiyosesis na mas palakasin ang misyon ng pambansang dambana na maging kanlungan ng mga deboto ni Padre Pio at mananampalatayang nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ibayong dagat na bumibisita sa lugar.

Taong 2003 nang maitatag ang dambana at itinalagang archdiocesan shrine makalipas ang limang taon habang 2015 naman ng itinalaga ng CBCP ang simbahan bilang national shrine kung saan nakadambana ang ilang first-class relic ng santo.

Matatandaang June 2022 nang aprubahan ng Vatican ang kauna-unahang international shrine sa Southeast Asia at Pilipinas ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa lalawigan ng Rizal kung saan isinagawa ang solemn declaration noong January 2024 sa ritong pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 48,539 total reads

 48,539 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 98,143 total reads

 98,143 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 146,014 total reads

 146,014 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 249,963 total reads

 249,963 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 333,614 total reads

 333,614 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top