Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 61,296 total views

Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba na ngayon.

Maraming Pilipino ngayon ang pinipiling bumalik o lumipat na sa mga probinsya. Iba iba ang dahilan o salik nito, kasama na ng paghahanap ng mas magandang kalidad ng buhay, mas mababang gastos, at ang pagnanais na bumalik sa mga pinagmulan at simpleng buhay. Ang dami rin kasing hamon sa city life.

Ngayon, kahit may trabaho ka sa lungsod, kulang pa rin ang kita. Malaki ang gastos at pamumuhay sa lungsod. At para makuha mo pa ang gatiting na pang-gastos na ito, napalaking paghihirap pa ang pagdadaaanan mo. Makikibaka ka sa araw araw na traffic, makikipag-unahan ka sa public transport, at magsusumamo na wag sana bumaha o maging sobrang mainit.

Sa probinsya, mas mababa ang mga gastusin, kaya’t mas nagiging abot-kaya ang pamumuhay. Mas maayos pa ang kalidad ng buhay. Bawas ang trapiko sa probinsya, kapanalig. Malapit din ang mga sariwang pamilihan. Pati antas ng polusyon mababa – mas malinis ang hangin, at mas malaki ang lugar at luntiang espasyo. Mas nakakahinga ang tao. Mas bawas ang stress. At dahil mas mabagal ang pace ng buhay dito, mas maraming oras para sa pamilya at komunidad.

Maliban sa paghahangad ng mas tahimik at malinis na kapaligiran, mas mura din ang halaga ng lupa at bahay sa probinsya. Mas abot kaya bumili dito ng property, at abot kaya din ang umupa. Sa mga probinsya, may opsyon ka rin makakuha ng property hindi lamang para pagtayuan ng bahay, kundi para gamitin sa pagsasaka o ibang economic activity.

Ang pag-usbong ng remote work at online na edukasyon ay nagbukas din ng posibilidad para sa maraming tao na magtrabaho at mag-aral kahit saan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga tao na manirahan sa probinsya habang nagtatrabaho o nag-aaral.

Maraming magandang epekto ang pagbabagong ito. Ang paglipat ng mga tao sa probinsya ay nagdudulot ng pag-unlad ng lokal na ekonomiya. Nadadagdagan ang pangangailangan para sa mga serbisyo at produkto, na nagiging sanhi ng paglago ng mga LGUs. Ang pagdami ng mga bagong residente ay nagdudulot din ng pagbabago sa demograpiya ng mga probinsya. Ito ay maaaring magdala ng mga bagong kultura, sigla, at kaalaman na makatutulong sa pag-unlad ng komunidad.

Ang tamang pagpaplano at pakikipagtulungan ng pamahalaan at komunidad ay makatutulong upang masiguro na ang migrasyon ay magiging positibo para sa lahat. Malaking hamon ito sa ating mga LGUs na sana’t matapang at maayos nilang matugunan. Ang Panlipunang Turo ng Simbahan ay matagal ng sumusuporta sa prinsipiyo ng subsidiarity, na sumusuporta sa kakayayahan at kagalingan ng mga lokal na gobyerno. Ayon nga sa Centessimus Annus, hindi dapat agawan o pangunahan ang mga komunidad sa kanilang responsbilidad sa lipunan. Sa halip, sila ay dapat tulungan sa kanilang gawain para sa kabutihan ng balana.

Eto na ang panahon para mas lalong manguna at kumilos ang LGUs. Ang local migration ay mananatiling positibo kung ang lokal na pamahalaan, ay sabay ding maghahanda, mag-iimprove, at magpapabuti ng kalidad ng buhay sa mga probinsiya. Ang maayos na city planning, ang pagsabay na pagkumpuni at pagtataguyod ng mga kaugnay na imprastraktura na sasabay sa migrasyon ng tao ay napakahalaga. Exciting times ahead, kapanalig, at dasal natin ang tagumpay ng mga LGUs.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,146 total views

 8,146 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 15,980 total views

 15,980 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »

May katarungan ang batas

 19,935 total views

 19,935 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 34,446 total views

 34,446 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 40,563 total views

 40,563 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 8,148 total views

 8,148 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 15,982 total views

 15,982 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May katarungan ang batas

 19,937 total views

 19,937 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Filipino Voters

 34,448 total views

 34,448 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 40,565 total views

 40,565 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disinformation At Polarization

 43,212 total views

 43,212 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 50,232 total views

 50,232 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 45,257 total views

 45,257 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 47,559 total views

 47,559 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 47,082 total views

 47,082 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 51,719 total views

 51,719 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 52,995 total views

 52,995 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 54,478 total views

 54,478 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 61,575 total views

 61,575 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 71,275 total views

 71,275 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top