Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Umento sa sahod ng mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 48,832 total views

Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon. 

Dismayado dito ang ilang labor groups. Para sa National Wage Coalition, na binubuo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Kilusang Mayo Uno, Nagkaisa!, at Trade Union Congress of the Philippines, isa itong “disgrace” o kahihiyan para sa mga manggagawa. Insulto raw ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod; ni hindi nga raw ito makakabili ng isang kilong bigas. Ayon naman sa Federation of Free Workers, ipinakita lamang muli ng wage board na manhid sila sa kalagayan ng mga manggagawa. Para sa kanila, pinili raw ng wage board na protektahan ang interes ng mga negosyante, sa halip na bigyang-halaga ang mas malaking layunin ng pagtataas ng sahod para sa kabutihan ng bayan. 

Gaya ng inaasahan, may mga negosyanteng umaaray sa panibagong umento sa sahod. Para sa Employers Confederation of the Philippines, masyado itong mataas kumpara sa kinse hanggang bente pesos na dagdag-sahod na iminungkahi nila. Mahihirapan daw ang mga negosyante, lalo na ang may may microbusiness, sa ₱35 na dagdag sa minimum daily wage.

Matagal ng isinusulong ng ilang labor groups ang mas mataas na arawang sahod ng mga manggagawa. Noong Pebrero, pumasa sa Senado ang panukalang dagdagan ng ₱100 ang arawang sahod. Pinangambahan ito ng mga negosyante. Ayon pa sa National Economic and Development Authority, maaari daw itong mauwi sa mas mabilis na pagtaas ng mga bilihin at mas maraming walang trabaho. Para maitaas ang suweldo ng mga manggagawa, gagawin ng mga negosyanteng mas mahal ang ibinebenta nilang mga produkto. Sa madaling salita, magiging pasanin pa ito sa mga mamimili. Kung hindi ito magagawa, baka mapilitan daw ang ilang negosyong magsara na lang. 

Sa Kamara naman, hindi umuusad ang House Bill No. 7871 o Wage Recovery Act na layong gawing across-the-board ang ₱150 na umento sa arawang sahod ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor. Para sa Gabriela Party-list, kulang na kulang ang umento sa sahod na inaaprubahan ng wage board. Hindi ito sapat para makahabol ang mga manggagawa at kanilang pamilya sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

Ayon sa Catholic social teaching na Laborem Exercens, ang sahod ang pinakamahalagang pamamaraan para makamit ang katarungan sa paggawa. Gamit ang suweldong natatanggap natin kapalit ng ating pagtatrabaho, mabibili natin ang ating mga pangunahing pangangailangan. Kaya sagabal sa pagkamit ng isang buhay na may dignidad ang hindi makatarungang pasahod. 

Binibigyang-diin din ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng pamahalaan upang siguruhing nababalanse ang lahat ng interes sa pagsusulong ng kaunlaran. Hindi tunay at hindi ganap ang kaunlaran kung may mga isinasantabing manggagawa. Kinakailangan ang aktibong papel ng pamahalaan sa pagsigurong may mga patakarang ginagawang patas ang pakinabang ng lahat sa mga bunga ng pag-unlad. 

Seryosong ang usapin ang umento sa sahod. Sa isang banda, dapat siguruhing nakakamit ng mga manggagawa ang isang makatarungan at nakabubuhay na sahod. Sa kabila naman, kailangang kilalanin ang epekto ng anumang pagbabago sa itinatakdang sahod sa mga lumilikha ng trabaho, lalo na ang maliliit na negosyo. 

Mga Kapanalig, sabi nga sa 2 Tesalonica 3:10, “Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.” Para din nitong sinasabing ang mga nagtatrabaho ay dapat na makatanggap ng sahod na sapat sa kanilang mga pangangailangan. Makatarungang pasahod at suporta din sa maliliit na negosyo ang hinahanap natin. Sa huli, hangad natin ang isang kaunlarang lahat ay nakikinabang at walang isinasantabi. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

May katarungan ang batas

 13,742 total views

 13,742 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »

Filipino Voters

 28,304 total views

 28,304 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 34,421 total views

 34,421 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »

Disinformation At Polarization

 41,265 total views

 41,265 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »

Pagkamamamayang for sale?

 48,285 total views

 48,285 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May katarungan ang batas

 13,743 total views

 13,743 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na sa isang demokratikong estado, ang mga may pulitikal na kapangyarihan ay nananagot sa taumbayan. Nakasaad din ang prinsipyong ito sa ating Saligang Batas: ang mga pampublikong gampanin o opisina ay mula sa tiwala at kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang tinutungtungan ng mga nagsampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Filipino Voters

 28,305 total views

 28,305 total views Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anti Agri-Cultural Smuggling Act Of 2016

 34,422 total views

 34,422 total views Ang Republic Act (RA)10845 ay nire-repeal ang RA 12022 o Anti Agricultural Sabotage Act. Kapanalig, bago ma-repeal ang RA 12022 ng RA 10845 may naparusahan na ba sa mga lumabag sa batas na mga cartel at smugglers ng agricultural at fisheries products? Marami na tayong batas laban sa mga rice cartels at profiteering,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disinformation At Polarization

 41,266 total views

 41,266 total views The dangers of new communication technologies. Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”. Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 48,286 total views

 48,286 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 44,624 total views

 44,624 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 46,926 total views

 46,926 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 46,449 total views

 46,449 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 51,086 total views

 51,086 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 52,362 total views

 52,362 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 53,845 total views

 53,845 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 60,942 total views

 60,942 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 70,642 total views

 70,642 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Araw-araw na kalupitan

 67,813 total views

 67,813 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwad na kapayapaan

 64,826 total views

 64,826 total views Mga Kapanalig, sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma, sinabi niya, “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos.”  Madalas gamitin ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top