Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,539 total views

Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa mga nangangailangan sa pamayanan.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na bagamat may mga pagbabagong ginawa sa kasalukuyang Alay Kapwa program nakatuon pa rin ito sa ‘mercy, development and justice’ bilang patuloy na pagkalinga ng simbahan sa higit nangangailangan.

“We would like the CBCP now will come up with pastoral exhortation for everyone to know that Alay Kapwa is already 50 years old na from a simple Palm Sunday Alay Kapwa collection ay mayroon na ngaypng Alay Kapwa Expanded Program na one whole year fund raising activity ang gagawin at ang konsepto will now be an annual giving scheme mula sa ating mga donors,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang noong 2021 inilunsad ng Caritas Philippines ang pagpalawak ng programa kung saan itinatag ng 7 Alay Kapwa Legacy Programs tulad ng Alay Kapwa para sa Karunungan, Alay Kapwa para sa Kalusugan, Alay Kapwa para sa Kabuhayan, Alay Kapwa para sa Kalikasan, Alay Kapwa para sa Katugunan sa Kalamidad, Alay Kapwa para sa Katarungan, Kapayapaan, at Mabuting Pamamahala, at ang Alay Kapwa para sa Kasanayan.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pararangalan din ng social arm ng CBCP ang mga piling social action centers sa bansa na patuloy pinalalago ang mga programa at Gawain ng social action.

“Sa ating celebration of the jubilee year next year ng Alay Kapwa ay magbibigay tayo ng award sa mga outstanding Diocesan Social Action Centers at yung award na ibibigay natin ay ‘Bishop Julio Xavier Labayen Award of Excellence in Service in Social Action,” ani Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng obispo na ito ay ipinangalan kay Bishop Julio Labayen na naging kauna-unahang chairperson ng Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace at ng National Secretariat for Social Action ng CBCP mula 1966 at kinilala rin itong pillar ng mga social action programs ng simbahan Lalo na ang adbokasiya ng panlipunang katarungan.

Taong 1975 nang itatag ng CBCP ang Alay Kapwa na isang Lenten evangelization at resource mobilization program para sa simbahang katolika sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,201 total views

 19,201 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,215 total views

 69,215 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,084 total views

 65,084 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,052 total views

 101,052 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,711 total views

 108,711 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top