2 national shrines, itinalaga ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,458 total views

Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte.

Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng 128th plenary assemnbly ng CBCP nitong July 6 sa Chali Conference Center sa Cagayan De Oro City.

Tinuran ng CBCP na ang dalawang dambana ay kaaya-aya at maituturing na sentro ng pagpapalago ng debosyon at pananampalataya ng bawat perigrinong dadalaw.

Ang simbahan ng Our Lady of Mercy sa Novaliches ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1856 kung saan ang patrona at imahe ay dinala ni Fr. Andres Martin, OSA ang kauna-unahang pari ng Novaliches.

Taong 2008 nang ideklara ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ang simbahan bilang pandiyosesanong dambana habang noong 2021 ay ginawaran ito ng special bond of spiritual affinity sa Papal Basilica of St. Mary Major in Rome gayundin ang canonical coronation.

Ang Maasin Cathedral naman ay itinatag noong 1700s ng mga Heswita at isa sa mga taguring baroque style na simbahan sa Pilipinas kung saan nakadambana ang 200-year old image ng Nuestra Senora dela Asuncion de Maasin.

Noong 2015 ginawaran ng episcopal coronation ang imahe sa ritong pinangunahan ni noo’y Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle habang 2022 ang canonical coronation sa pangunguna ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Ang dalawang bagong national shrine ay karagdagan sa 29 na mga national shrines sa bansa na dinadayo ng mga deboto at makatutulong sa pagpapalalim ng debosyon at pakikipag-ugnayan sa Panginoon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,170 total views

 19,170 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,184 total views

 69,184 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,053 total views

 65,053 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,022 total views

 101,022 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,683 total views

 108,683 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top