Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,588 total views

Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao.

Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa.

“We really give thanks to the Lord for giving us an opportunity to host this 128th CBCP Plenary Assembly of course with the Diocese of Malaybalay during our retreat. I really thank the CBCP to choose the archdiocese for hosting the plenary this year,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.

Ikinalugod ng arsobispo ang matagumpay na pagpupulong ng kalipunan ng mga obispo na sa kauna-unahang pagkakataon ay isinagawa sa Mindanao.
Higit na kinilala ni Archbishop Cabantan ang pakikibahagi ng mananampalataya sa matagumpay na gawain lalo na ang pagtutulungan ng simbahan at lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa buong plenary assembly.

“I really give thanks with all my heart to all the people, clergy religious of the Archdiocese of Cagayan de Oro who supported us when hosted this first and historical CBCP assembly in Mindanao, in the archdiocese without their support, I think it is impossible. Of course there is God but also the support of all the faithful, the LGUs who also share their time, talent and treasure to make this a success,” ani Archbishop Cabantan.

Humigit kumulang sa 80 obispo ang dumalo sa plenary assembly na nagsimula sa Diocese of Malaybalay noong July 2 para sa retreat ng mga obispo kung saan isa sa naging panauhin si Vatican Secretary for Relations with States Archbishop Paul Gallagher.

Ginanap ang pormal na CBCP plenary assembly sa Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City mula July 6 hanggang 8 kung saan kabilang sa tinalakay ang pag-apruba sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte bilang national shrines.

Sa unang araw ng pagtitipon nagdiwang ng misa ang mga obispo sa tanyag na Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy sa El Salvador Misamis Oriental na pinangunahan ni Archbishop Cabantan kasabay ng pagsapubliko ng tanda ng pagiging archdiocesan shrine habang sa ikalawang araw ay ipinagdiwang ang misa sa St. Augustine Cathedral na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,210 total views

 19,210 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,224 total views

 69,224 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,093 total views

 65,093 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,061 total views

 101,061 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,720 total views

 108,720 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top