Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,072 total reads

Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Ang irigasyon ay nagbibigay ng kinakailangang tubig sa mga pananim, lalo na sa mga panahon ng tag-init o tagtuyot. Sa pamamagitan ng sapat na patubig, mas mataas ang ani at mas sigurado ang produksyon. Ito ay mahalaga lalo na sa mga palayan, na siyang pangunahing pinagkukunan ng bigas ng bansa.

Dahil din sa irigasyon, ang mga magsasaka ay hindi lamang umaasa sa ulan para sa kanilang taniman. Maaari silang magtanim at mag-ani ng higit sa isang beses sa isang taon, na nagreresulta sa mas maraming produksyon at kita para sa mga magsasaka. Kapag maraming produksyon, tumataas ang income nila.

Ang mas mataas na produksyon ng agrikultura ay malaki ang ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang irigasyon ay nagpapataas ng produktibidad ng lupa at nagiging daan upang mas maraming produkto ang maibenta sa lokal at pandaigdigang merkado.

Kapag sapat ang irigasyon, nagiging mas matatag ang suplay ng pagkain sa bansa. Ito ay mahalaga upang masigurong may sapat na bigas at iba pang pangunahing pagkain para sa populasyon, lalo na sa panahon ng kalamidad o krisis. Sa ngayon kapanalig, tayo na ang number one rice importer sa buong mundo.

Kailangan na natin mai-saayos ang irigasyon sa bansa, lalo ngayon na mas tumitingkad na ang epekto ng climate change. Ang mga malalakas na bagyo ay lubos na pumipinsala sa maraming irrigation facilities sa bansa. Noong nagdaang Bagyong Aghon nga lamang nitong Mayo, umabot agad sa P200.3 million ang na-damage na irrigation facilities sa CALABARZON.

Ang irigasyon ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura sa Pilipinas na may malaking epekto sa produksyon ng pagkain, ekonomiya, at seguridad sa pagkain. Kailangan ng pondo at suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor. Maraming irrigation projects ang ang hindi natutuloy o natatapos dahil sa limitadong budget. Ang hindi epektibong pamamahala at mga isyu sa korapsyon ay nagiging hadlang din sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa irigasyon. Maraming proyekto ang naudlot o hindi nagiging matagumpay dahil sa mga anomalya sa proseso.

Mainam at mas maraming plano ngayon, gaya ng pag-gamit ng solar power upang maisa-ayos ang irigasyon sa bansa. Kapag naisayos natin ito, maraming mga magsasaka ang makikinabang at matitiyak natin ang maayos na suplay ng pagkain. Tugon din ito sa hamon ng Mater et Magistra, bahagi ng Panlipunan Turo ng Simbahan: Increase in production and productive efficiency is, of course, sound policy, and indeed a vital necessity… everything must be done to ensure that social progress keeps pace with economic progress.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,477 total reads

 51,477 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 100,918 total reads

 100,918 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 148,789 total reads

 148,789 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 252,737 total reads

 252,737 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,291 total reads

 336,291 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,478 total reads

 51,478 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 100,919 total reads

 100,919 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 148,790 total reads

 148,790 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top