Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

2 imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage, dadalhin ng Philippine Coastguard sa WPS

SHARE THE TRUTH

 7,643 total views

Nagpapasalamat si Chief Chaplain Reverend Father Cost Guard Commodore Louie A. Palines kay Rev. Fr. Reynante “Nante” Tolentino, Rector ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Ito ay matapos idaos noong July 05, ang Mass for Peace sa Antipolo Cathedral na sinundan ng pagtanggap ng Philippine Coast Guard Chaplaincy ng dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na regalo ng dambana.

Ayon sa Pari, ang pasasalamat ay dahil sa layunin ng PCG chaplaincy na higit pang mailapit ang Mahal na Birheng Maria sa mga uniformed personnel.

“Unang-una po sa lahat ais ko pong pasalamatan ng Rector ng Antipolo Shrine International Shrine of Our Lady of Peace and good Voyage parehas na parehas po ang patrona ng BIrhen ng Antipolo sa Antipolo at dito naman po sa ting Philippine Coast Guard Maraming maraming Salamat, sa lahat ng mga tumulong sa amin sa pagbibigay ng image at ang ultimate na ating layunin na makasama sa ating mga Philippine Coast Guard Personnel, mga Officers sa ating mga panalangin,isama naman natin din ang Mahal na Birhen Maria,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Palines.

Labis din ang pagpapasalamat ni Fr.Tolentino sa pakikipagtulungan ng PCG na palakasin pa ang mga panawagan upang maisulong ang kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

Ayon kay Fr.Tolentino, napapanahon ang pakikipag-ugnayan ng PCG upang idaos ang Mass For Peace at pagtanggap sa regalong handog ng Antipolo Cathedral na dalawang imahen dahil nahaharap ang buong mundo maging ang Pilipinas mula sa ibat-ibang uri ng digmaan at paniniil hinggil sa mga teritoryo na pinag-aagawan,
Dalangin ng Pari na maging mapayapa ang pagpapadala ng mga imahen sa West Philippine Sea kung saan ilalagak to sa isa sa mga chapels na ginagawa sa Lugar.

“Kaya yung isa po ay iikot sa mga kampo ng ating mga mencoast guard, ng mga stations at yung isa po ay sisikapin nilang madala sa kalayaan sa West Philippine sea. kaya tayong lahat mga kapatid ay sama-sama na manalangin para sa kapayapaan ng ating bansa ng ating mundo, Alam naman natin na kaylangang-kaylangan natin ang kapayapaa lalong-lalo na ang kapayapaan na nagmumula kay Kristo na inihahatid sa atin ng birhen ng Antipolo,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Tolentino.

Bukod sa Mass for Peace ay tinanggap din ng PCG Chaplaincy ang dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na ipinarada mula Antipolo Cathedral hanggang headquarters ng PCG Chaplaincy Chapel.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,339 total views

 40,339 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,427 total views

 56,427 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,905 total views

 93,905 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,856 total views

 104,856 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 26,633 total views

 26,633 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top