Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,506 total reads

Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan.

Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas.

Ayon sa MGFI, ang Masungi Georeserve ay inisyatibo upang mapangalagaan at mailigtas ang mga likas na yaman laban sa mga mapaminsalang pag-unlad.

“The Masungi Georeserve is a non-profit conservation initiative run by the MGFI which is a non-stock, non-profit Foundation duly registered at the Securities and Exchange Commission (SEC). Masungi is therefore not a resort, which is built for the primary purpose of entertainment and profit,” ayon sa pahayag ng MGFI.

Iginiit ng institusyon na mahigpit silang sumusunod sa anumang mahahalaga at kinakailangang permit mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang pagtalima sa mga batas ng bansa, gayundin ay walang anumang obligasyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Taliwas din sa pahayag ng DENR, inihayag ng MGFI na ang ginawang trails o daanan sa loob ng Masungi ay may Certificate of Non-Coverage (CNC) na katumbas ng Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa mga proyekto na walang gaanong malaking epekto sa kapaligiran ayon sa itinakda ng Philippines Environment Impact System.

“Masungi is also known for implementing some of the strictest and most sustainable visitor protocols and carrying capacities in the country,” ayon sa institusyon.

Naglabas ng pahayag ang DENR kasunod ng panawagan ni Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtuunan ang pangangalaga sa Masungi Geopark Project.

Una nang inanunsyo ng DENR ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez na nagbunsod upang masimulan at maisakatuparan ang Masungi Geopark Project.

Binatikos naman ito ng MGFI at iba pang grupo kabilang na ang Caritas Philippines dahil ang hakbang ng kagawaran ay marahil upang higit na bigyang-daan ang operasyon ng large-scale mining, land grabbers, quarrying at pool resorts sa loob ng protected area.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 8,751 total reads

 8,751 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 45,251 total reads

 45,251 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 265,871 total reads

 265,871 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 300,541 total reads

 300,541 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 315,923 total reads

 315,923 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 96,119 total reads

 96,119 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top