Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,803 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao.

Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol sa kawan ng Panginoon upang mapagnilayan, matalakay at mapagpasyahan ang mga usaping dapat na tutukan ng Simbahan sa bansa.

“May the Holy Spirit guide all the participants throughout this assembly, and may the decisions and plans made here lead to a stronger and more vibrant Catholic community in our country.” Bahagi ng mensahe ni Atty. Sarmen.

Kabilang sa ipinapanalangin ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang tagumpay ng Kalipunan ng mga Obispo sa pagtalakay at paghahalal ng mga mamumuno sa Commission on Catholic Education, Sub-commission on Retired, Sick, and Elderly Priests, Sub-commission for Permanent Deacons, at ng Office for the Postulation of the Causes of Saints.

Kabilang din sa ipinapanalangin ng Sangguniang Laiko ang gagawing paglalatag ng mga gawain ng CBCP para sa nalalapit na Jubilee Year 2026 ng Simbahang Katolika na itinalaga ni Pope Francis bilang Pilgrims of Hope na isang magandang pagkakataon upang muling mahikayat ang bawat Pilipino na magbalik loob sa Simbahan at sa Panginoon.

“We wish you all the best for a very successful conference filled with meaningful discussions and fruitful outcomes. The election of chairpersons for the Commission on Catholic Education, the Sub-commission on Retired, Sick, and Elderly Priests, the Sub-commission for Permanent Deacons, and the Office for the Postulation of the Causes of Saints will surely be pivotal for the future of our Church. Additionally, the proposed activities for the Jubilee 2025 celebrations in the Philippines promise to bring great joy and spiritual renewal to our nation.” Dagdag pa ni Atty. Sarmen.

Bago ang pulong, una na ring sumailalim sa retreat ang Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas noong July 2, na ginanap sa Transfiguration Abbey na pinangasiwaan ng Benedictine Monks sa Malaybalay, Bukidnon kung saan kabilang sa nagbigay ng talk si Vatican Secretary for Relations with States Archbishop Paul Gallagher.

Pormal namang magsisimula ang pagpupulong ng kalipunan sa mula July 6-8 Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City kung saan tinatayang mahigit sa 80-obispo ang dadalo.

Sa kasalukuyan binubuo ang CBCP ng 83 aktibong obispo, limang paring tagapangasiwa at 39 na honorary members o mga retiradong obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 55,251 total reads

 55,251 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 104,495 total reads

 104,495 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 152,366 total reads

 152,366 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 256,315 total reads

 256,315 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 339,630 total reads

 339,630 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top