CWS, nagpahayag ng suporta sa Magnifica Humanitas ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,998 total views

Sinuportahan ng Church People Workers Solidarity o CWS ang kauna-unahang ensiklikal ni Pope Leo XIV ng Magnifica Humanitas.

Ayon kay CWS National Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ito ay dahil tinalakay ng Santo Papa sa ensiklikal ang epekto ng Artificial Intelligence o AI sa tao, higit na ang epekto nito sa kabuhayan ng mga manggagawa at pamilya na kanilang sinusuportahan.

Sa pamamagitan nito ay naniniwala si Bishop Alminaza na higit pang nabibigyan ng pansin ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawa na ngayon ay nalalagay sa panganib ang kabuhayan dahil sa pag-usbong ng teknolohiya na katulad ng AI.

“Just as Pope Leo XIII courageously confronted the dehumanizing excesses of industrial capitalism, Pope Leo XIV now confronts what he calls the modern technocratic paradigm. He names the alarming reality wherein immense technological power, data, and wealth are increasingly concentrated in the hands of a few powerful actors, creating an economy that risks reducing the human person—from the image of God and crown of creation—to merely another unit for optimization, efficiency, and profit maximization,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng ng CWS sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na kahanay din Magnifica Humanitas ang mga naunang Ensiklikal nina Pope Leo XIII na Rerum Novarum, Laborem Exercens Saint John Paul II, Caritas in Veritate ni Pope Benedict the XVI at Laudato Si ni Pope Francis.

Ito ay dahil isinusulong ng Magnifica Humanitas ang pagpapahalaga muna sa dignidad ng tao at paggawa kung saan patuloy na naisasabuhay ang pangangalaga sa buhay, kalikasan at nilikha ng Panginoon.

“The document also deepens the critiques articulated in 𝐿𝑎𝑢𝑑𝑎𝑡𝑜 𝑆𝑖’ 𝑎𝑛𝑑 𝐹𝑟𝑎𝑡𝑒𝑙𝑙𝑖 𝑇𝑢𝑡𝑡𝑖 regarding the technocratic paradigm and extends these concerns into the digital sphere. It exposes the often invisible human cost behind AI systems: 𝐭𝐡𝐞 𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫𝐩𝐚𝐢𝐝 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐥𝐚𝐛𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐭𝐚𝐬𝐞𝐭𝐬, 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐞𝐜𝐚𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐠𝐢𝐠 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐞𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐞𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐆𝐥𝐨𝐛𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐰𝐡𝐨𝐬𝐞 𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐝𝐢𝐞𝐬 𝐛𝐞𝐚𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐮𝐫𝐝𝐞𝐧 𝐨𝐟 𝐞𝐱𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐢𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐥𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐚𝐫𝐞 𝐦𝐢𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐢𝐧𝐟𝐫𝐚𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞. These are not isolated problems. They are manifestations of structures of sin that normalize exploitation while disguising themselves as innovation. They become tolerated evils when societies accept human disposability as the cost of technological progress,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala sa Radyo Veritas.

Sa pamamagitan ng ensiklikal ni Pope Leo XIV ay patuloy na ipinanawagan ng CWS sa pamahalaan na magkaroon ng mga pagbabagong tutulungan na mapaunlad ang sektor ng paggawa na katulad ng Magnifica Humanitas ay gagamitin bilang instrumento ng sama-samang pag-unlad ang kabuhayan ng bawat isa upang unahin ang dignidad ng tao sa halip na isipin ang labis na pakita o pagiging gahaman.

May 25 2026 ang petsa sa paglalathala ng unang ensiklikal ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas na tinalakay ang wastong paggamit sa AI bilang instrumentong tutulungan ang pagunlad ng pamumuhay at pananampalataya sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 67,039 total views

 67,039 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 141,653 total views

 141,653 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 221,732 total views

 221,732 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 264,871 total views

 264,871 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 261,920 total views

 261,920 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top