Maging instrumento ng kapayapaan ang sports, prayer intention ni Pope Leo ngayong Hunyo 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,373 total reads

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kaniyang prayer intention para sa buwan ng Hunyo 2026 para sa pagsusulong ng mga pagpapahalagang hatid ng sports o palakasan bilang daan ng kapayapaan, pagkakaisa, at paghubog ng mabuting pakikipagkapwa.

Partikular na hinimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya na ipanalangin na maging instrumento ang sports o palakasan ng pagtatagpo at dayalogo ng iba’t ibang kultura at bansa sa gitna ng mga pagkakaiba at hamon ng makabagong panahon.

Binigyang-diin ng Santo Papa na higit pa sa kompetisyon at tagumpay ang tunay na diwa ng sports sapagkat ito ay maaaring magsilbing paraan upang mapalalim ang respeto, pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa kapwa.

Ayon kay Pope Leo XIV, sa pamamagitan ng sports ay nahuhubog ang pagpapahalaga sa pagtutulungan, patas na pakikitungo, at paggalang sa dignidad ng bawat tao anuman ang kultura, lahi, o pinagmulan.

“Let us pray that sports be an instrument of peace, encounter, and dialogue among cultures and nations, and that they promote values such as respect, solidarity, and personal growth.” panalangin ni Pope Leo XIV para sa buwan ng Hunyo.

Una ng inihayag ng Santo Papa na mahalaga ang papel ng sports sa paghubog ng mga kabataan hindi lamang sa aspetong pisikal kundi maging sa kanilang pagkatao at pakikisalamuha sa komunidad.

Kasabay nito, nanawagan si Pope Leo XIV sa iba’t ibang bansa at pamayanan na gamitin ang sports bilang tulay ng pagkakaunawaan at kapayapaan lalo na sa panahong maraming lipunan ang nahaharap sa hidwaan, diskriminasyon, at pagkakahati-hati.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 10,462 total reads

 10,462 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 48,941 total reads

 48,941 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 67,149 total reads

 67,149 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 151,479 total reads

 151,479 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 188,328 total reads

 188,328 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,600 total reads

 36,600 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top