Caritas Philippines, nilinaw ang pagtanggal sa ikatlong episode ng YSpeak 2.0

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,891 total views

Nilinaw ni Caritas Philippines executive director, Fr. Carmelo ‘Tito’ Caluag, ang desisyong ipatanggal ang ikatlong episode ng programang YSpeak 2.0 at ihinto ang pagpapalabas nito sa free television.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Fr. Caluag na siya, bilang kinatawan ng Caritas Philippines at producer ng programa, ang humiling na alisin ang naturang episode na unang ipinalabas noong May 23.

“It was a difficult decision to make, but there are internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines I needed to consider,” ayon kay Fr. Caluag.

Ipinaliwanag ng pari na kanyang isinasaalang-alang ang mga patakarang editoryal at pangunahing pagpapahalaga ng organisasyon, gayundin ang iba pang mga salik na natalakay sa mga taong may kaugnayan sa usapin.

Nilinaw din ni Fr. Caluag na ang hindi pagpapalabas ng ikaapat na episode sa ALLTV2 noong May 30 ay bahagi rin ng kanyang naging desisyon.

Ayon sa opisyal ng simbahan, nais ng Caritas Philippines na higit pang palakasin ang presensya nito sa mga online platform upang mas maabot ang mga kabataang pangunahing tagasubaybay ng programa.

“YSpeak and YSpeak 2.0 were created to always be a safe space for the Filipino youth and will continue to strive to be such. Yes, we want our youth to have the platform to speak the truth with courage, but also to take all things into consideration,” giit ni Fr. Caluag.

Binanggit din ng pari na nakipagpulong siya sa mga host ng programa upang talakayin ang mga naging kaganapan at mabigyan sila ng pagkakataong makatulong sa pagdedesisyon sa mga susunod na hakbang.

Hiniling naman ni Fr. Caluag ang patuloy na panalangin at suporta ng publiko para sa YSpeak community habang pinag-aaralan ang magiging direksyon ng programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 67,003 total views

 67,003 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 141,617 total views

 141,617 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 221,696 total views

 221,696 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 264,835 total views

 264,835 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 261,886 total views

 261,886 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top