Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,797 total reads

Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili din sila sa iba’t ibang larangan tulad ng customer service, technical support, at mga back-office operations. Tinatayang mahigit pa sa 1.7 million ang mga manggagawa sa BPO industry natin kapanalig, at lalaki pa ito.

Malaki na rin ang kontribusyon ng BPO industry sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga remittance mula sa mga foreign clients. Ang pag-unlad ng sektor na ito ay nagreresulta rin sa paglago ng iba pang industriya tulad ng real estate, retail, at transportasyon. Nagkaroon na ng chain reaction.

Marami rin ng pamilya ang nakakaangat sa hirap dahil sa trabaho sa BPO. Ang stable na kita ay nagdudulot ng mas magandang kalidad ng pamumuhay, mas magandang edukasyon para sa mga anak, at mas maayos na kalusugan. May mga health benefits din na talagang nakakatulong sa pamilya. Pero hindi pantay pantay ang pasweldo kapanalig, sa mga BPO offices. May mataas magbigay, may maliit. Kahit man ganito, nabigyan ng mas maraming opsyon o pamimilian ang mga tao, na nagdadagdag sa kapangyarihan din nila o empowerment. Ang exposure din sa international clients at iba’t ibang kultura ay nagpapataas din ng kanilang global competence. Ito ay nagiging puhunan nila sa kanilang propesyonal na pag-unlad at sa pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Kaya lang may mga isyu pa rin sa industriya na kailangan natin harapin. Kasama dito ang stress at health issues dulot ng night shifts, work-life balance challenges, at ang pagiging dependent ng industriya sa mga economic policies ng ibang bansa. Kinakailangan ang patuloy na suporta mula sa pamahalaan at mga kumpanya upang masigurong ang mga manggagawa ay mayroong sapat na proteksyon at benepisyo. Walang halaga ang kita kung masisira ang kalusugan, pamilya, at ang ating ispiritwalidad, hindi ba?

Ang pag-unlad ng BPO industry ay isang magandang indikasyon ng mas maliwanag na kinabukasan para sa marami, pero kailangang mabalanse natin ang benespisyo at hamon, at mapangalagaan ang manggagawang Filipino. Ang suporta ng pamahalaan, mga kumpanya, at komunidad ay mahalaga upang masigurong ang BPO industry ay patuloy na magiging isang mahalagang sektor na magdudulot ng pag-asa at pag-unlad sa bansa.

Maski ang Simbahan mismo ay maganda rin na maging aktibo dito, sa pamamagitan ng mga outreach at pastoral services na kailangan ng BPO workers para mapangalagaan ang kanilang spiritiwalidad, mental health, at pati fellowship. Kailangan nating makita na hindi lamang pera ang trabaho kundi isang daan ng papagbuti ng ating pagkatao, pagkilala sa sarili, at pagbabago ng mundo. Sabi nga Laborem Exercens: Work remains a good thing, not only because it is useful and enjoyable, but also because it expresses and increases the worker’s dignity. Through work we not only transform the world, we are transformed ourselves, becoming “more a human being.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 26,785 total reads

 26,785 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 247,403 total reads

 247,403 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 282,075 total reads

 282,075 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 297,975 total reads

 297,975 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 332,582 total reads

 332,582 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 26,787 total reads

 26,787 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 247,405 total reads

 247,405 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 282,077 total reads

 282,077 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 297,977 total reads

 297,977 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top