27,847 total views
Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan ng bansa.
“I am grateful for the heartwarming response to our appeal to pray the rosary starting June 27 until August 15 for peace in our country especially on the West Philippine Sea which is west of our dear Pangasinan province. A nation at prayer is a nation at peace.” pahayag ni Archbishop Villegas.
Bilang higit na pagpapaigting sa pagtugon ng Simbahan sa kasalukuyang suliraning pang-soberenya ng bansa ay magsasagawa ng Rosary Fluvial Procession ang Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan sa ika-16 ng Hulyo, 2024 kasabay ng Memorial of Our Lady of Mount Carmel.
Magsisimula ang Rosary Fluvial Procession sa Barangay Cato, Infanta, Pangasinan matapos ang banal na misa na susundan ng pananalangin ng Santo Rosaryo at paglalayag ng mga makikibahagi sa Rosary Fluvial Procession.
Ipinaliwanag ng Arsobispo na bukod sa santo rosaryo ay lulan din ng mga bangkang makikibahagi sa Rosary Fluvial Procession ang imahen ng Mahal na Birheng Maria upang ganap na ipagkatiwala ang pagbibigay proteksyon sa bansa dulot ng tensyon sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
“On July 16, 2024, Memorial of Our Lady of Mount Carmel, we will hold a rosary fluvial procession starting from Barangay Cato, Infanta, Pangasinan. After the 6:00am Mass by the sea coast, we will pray the rosary on the shore while a few of our boat riding brothers and sisters will sail offshore praying the rosary too, each boat carrying a venerated image of Our Lady. We will also install prayer banners on which are printed the image of Our Lady to float over the sea as an act of entrustment and gesture of trust in her loving protection.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.
Inihayag ng Arsobispo na bagamat hindi makakasama ang lahat sa fluvial rosary procession ay maari pa ding makibahagi sa nasabing gawain ang bawat isa sa pamamagitan ng spiritual unity o pakikiisa sa pananalangin ng Santo Rosaryo sa ika-16 ng Hulyo, 2024 ganap na alas-syete y medya ng umaga.
“I am inviting the Catholic faithful and priests of our archdiocese to join the fluvial rosary procession. You can also show your spiritual unity with those in Infanta by praying the rosary wherever you may be at around 7:30am on July 16, if you are unable to join personally.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.
Nilinaw naman ng Arsobispo na ang intensyon sa pananalangin sa nakatakdang fluvial rosary procession ay hindi lamang para sa kapakanan ng Pilipinas at ng mga Pilipino kundi maging para sa China.
Ayon kay Archbishop Villegas, “We will pray for both China and the Philippines. We will pray not just for protection from conflict but to make all of us, Chinese and Filipinos together, as peacemakers. Beyond human ideologies and political parties, the peoples of China and the Philippines belong to the same human family.”
Una ng inihayag ni Archbishop Villegas na ang pag-usal ng Santo Rosaryo ay maituturing na pambihirang paraan upang manalangin at ganap na maipaabot ng bawat isa ang mga hinaing, pasasalamat, at pagsusumamo sa Panginoon.
Nagsimula ang 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa West Philippines Sea noong ika-27 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo at magtatapos sa ika-15 ng Agosto, 2024 kasabay ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.